top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 25, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 25, 2021 (Lunes): Itinakda kang makarating sa malalayong lupain. Huwag ka nang magtaka dahil nakatakda talagang iwanan mo ang iyong sinilangang bayan upang hanapin ang iyong kapalaran sa malayong lugar at doon ka uunlad at magtatagumpay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang binigyan ng mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito sa lalo pang pag-asenso, huwag mong gamitin sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-29-30-35-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang pagkakataon para lumabas ka sa iyong lungga, ibig sabihin, ilabas mo ang iyong sarili at simulan mo nang tahakin ang landas ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-19-21-25-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang takbo ng buhay mo ngayon dahil kung anu-ano ang iyong gagawin at kung saan-saan ka makakarating. Kaya lang, magtataka ka rin sa bandang huli dahil mapapansin mong bakit kaya hindi ka pa rin umaabante? Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-23-27-30-31.


CANCER (June 21-July 22) - Muli kang itutulak ng iyong mga pangarap. Oo, ikaw ay itutulak dahil aminin mo man o hindi, madalas ay tinatalo ka ng pag-aalinlangan at hina ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-16-29-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang maghangad. Ang totoo nga, masama ang walang pangarap at walang hinahangad. Dito sa mundo, ang walang kabuhayan ay malalagay sa ibaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-22-26-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mayaman ka sa magagandang ideya pero kapos ka sa kilos. Ngayong alam mo na ang iyong kakulangan, ano pa ang iyong hinihintay? Kumilos ka, ngayon na! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-25-26-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili, itago mo na ang iyong mga kapintasan at huwag mong hayaang lumitaw. Ito ay upang hindi masayang ang nagdaratingan mong mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-24-34-39-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang gumagawa ng galit. Sira ang kanyang kapalaran kaya siya ay mapangwasak. Muli, ang gumagawa ng galit ay ‘wag mong pansinin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-14-23-31-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malayo ang iyong mararating dahil maiiwanan mo ang iyong mga kasabayan. Gayundin, ang iyong mga karibal ay maiiwanan mo nang milya-milya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-13-22-28-35-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalakas ang loob mo at susuungin mo ang mga panganib na nakaharang sa landas ng iyong buhay papunta sa tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-21-26-27-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paikot-ikot ka lang. Galaw ka nang galaw pero hindi magbabago ang iyong kalagayan. Upang ito ay iyong malabanan, maglagay ka ng tukoy at direksiyong gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-12-21-27-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ay araw mo at ang maraming bukas ay iyo pa rin. Pagkakataon mo na para ipamalas sa mundo ang iyong galing, husay at talino. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-27-28-30-32.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page