Horoscope | Oktubre 24, 2021 (Linggo)
- BULGAR
- Oct 24, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 24, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 24, 2021 (Linggo): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay kahit magkamali ka nang paulit-ulit sa iyong pagdedesisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang iyong kapalaran para sa ikagaganda ang iyong buhay sa halos lahat ng larangan. Ipaubaya mo sa nasa itaas ang lahat ng gagawin mong pagpapasya at makakaasa ka na magiging maayos ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-10-29-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw sa iyo. Ang mga nawawala at lumisan sa buhay mo ay gusto ng kapalaran nang sa gayun ay mas gumanda pa ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-29-30-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Paparami nang paparami ang mga natitikman mong maliliit na suwerte. Gayunman, may malalaking suwerteng makakasingit na labis na ikagagalak ng puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-26-27-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Lumakas nang todo ang iyong pakiramdam. Ang babala ay para sa mga taong may iniisip na masama laban sa iyo at may hangaring ikaw ay mabigo, masaktan at mauwi sa wala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-28-33-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang kailangan kapag malamig. Ngayong lumalamig na ang panahon, dagdagan mo ang ningas ng iyong sigasig nang sa gayun ay maraming magagandang bagay ang mapunta sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-14-15-24-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaapaw ang baso kapag patuloy na nadaragdagan ang tubig. Aapaw ang kaligayahan dahil patuloy ang pagdating ng mga suwerte, kung saan marami sa mga ito ay hindi mo naman kailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-21-23-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huhusgahan ng langit ang nanghusga sa iyo. Tatanggapin nila ang parusa na kalakip ng batas na bawal manghusga ng kapwa. Aatras ang kanilang kabuhayan at pagkatapos, sila ay labis na magsisisi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-22-25-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang tama, ‘yun ang tama at ang mali ay mali. Huwag mong babaguhin ang iyong pasya dahil sa magagandang maririnig mo na sa totoo lang ay magpapahamak pa sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-16-17-26-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan luluwag ang kalooban mo, roon ka. Huwag mong kalimutan na bukod sa magagandang tanawin na nakikita sa iyong pamamasyal, tunay ngang ang mga tapat na kaibigan ay nakapagpapaluwag din ng damdamin at isipan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-25-27-35-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dito sa mundo, ang lahat ay may katapat na halaga. Sa ngayon, matatanggap mo mula sa langit ang katapat na malalaking halaga ng iyong pagiging sobrang mabait sa kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-20-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo lang ang iyong nararamdaman, ikaw ay tiyak na sasaya at liligaya. Kapag hindi na masaya, ito rin ang iyong mararamdaman at ang payo ay muli, sundin mo ang iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-20-24-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumapit ka sa pangarap. Dadalhin ka nito sa lugar kung saan mayayakap mo ang pinakaaasam-asam mo. Huwag kang bibitaw kahit nakakaranas ka ng hindi magandang kaganapan. Ang lahat ng pangit at negatibo ay lilipas din upang palitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-21-30-35-41-42.




Comments