top of page

Horoscope | Oktubre 23, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 23, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2025 (Huwebes): Kaligayahan ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Ito ay nagsasabing ang langit mismo ang magpapasaya sa iyo.


ARIES (Mar. 21–Apr. 19) – Makibahagi sa mga kasiyahan, dahil ngayon ang panahon upang magsaya. Kung makaramdam ka man ng kalungkutan, balewalain mo lang ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-19-24-29-34.


TAURUS (Apr. 20–May 20) – Nakakatuwa ang mangyayari sa ngayon. Sila na gigil na gigil na magkaroon ng suwerte ay hindi mangyayari, habang magugulat sila, dahil ikaw na naghihintay lang at wala namang ginagawa ang lalapitan ng mga buwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-21-22-28-35-37.


GEMINI (May 21–June 20) – Muli kang mananalo. Ito mismo ang nakasulat sa aklat ng iyong kapalaran. Sinumang magtangkang sumalungat ay babawasan ng buwenas, at sa iyo malilipat. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-12-16-26-33-44.


CANCER (June 21–July 22) – Damdamin ang maghahari sa mga araw na ito. Mas maganda na kapag nagpumilit ang isip na manghimasok, agad kang kumilos sa kung ano ang nadarama ng puso mo — ‘yon ang gawin mo. Ito ang paalala sa iyo ng langit sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-29-30-31-32.


LEO (July 23–Aug. 22) – Unahin mo ang para sa iba kesa sa iyong sarili. Maaaring hindi mo maunawaan ang nasabing payo, pero ito ang utos ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-20-36-32-39-42.


VIRGO (Aug. 23–Sept. 22) – Mababawasan ang iyong saya kapag kinontra mo nang kinontra ang iyong sarili. Tandaan mo, ang walang kapantay na ligaya ay nagmumula sa pagiging malaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-25-27-38-40.


LIBRA (Sept. 23–Oct. 22) – Pahalagahan mo ang pinaghirapan mo. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan, lalo na ngayon na ang mga tao ay natatangay sa masasayang kapaligiran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-28-30-33-35.


SCORPIO (Oct. 23–Nov. 21) – Magsaya ka dahil ang lahat ay masaya. Pero ang talagang payo sa iyo ay ang maging seryoso ka. Sa pagiging seryoso sa buhay, ang mga pangyayari ay aayon sa iyong mga plano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-23-29-31-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22–Dec. 21) – Kapag nagkulang ka, okey lang ‘yan! Lahat naman ay nagkukulang. Subalit, ang higit na mas mahalaga ay ang masunod mo pa rin ang banal na utos na bigyang kasiyahan ang kapwa mo tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-26-34-37-43.


CAPRICORN (Dec. 22–Jan. 19) – Hindi puwedeng ang lahat ay kaya mong pasayahin. Limitado lang ang kakayahan ng bawat isa. Kung ano lang ang kaya mo, iyon lang ang itugma mo sa gagawin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-19-26-34-41.


AQUARIUS (Jan. 20–Feb. 18) – Bakit papansinin mo ang hindi nakikiayon sa gusto mo? Gawin mo ang sa iyo, at gawin nila ang gusto nila. Sa ganito, hindi masisira ang masasayang araw mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-16-20-28-31-38.


PISCES (Feb. 19–Mar. 20) – Ito ang araw na papabor sa iyo ang langit. Kaya lahat ng iplano at pangarapin mo ay isa-isa nang matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-22-29-35-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page