Horoscope | Oktubre 23, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 23, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2022 (Linggo): Bilis ng kilos at isip ang sandata ng kapalaran mo para sa pagkakaroon ng napakaraming tagumpay sa buhay. Gayundin, ito ang magbibigay sa iyo ng mga kakaibang suwerte na ngayon mo lang mararanasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magmadali. Kapag pinag-aaralan mong mabuti ang bawat galaw mo, hindi ka mabibigo. Samantala, ang nag-aapura ay kadalasang nagkakamali ng desisyon at sa huli ay nanghihinayang. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-10-14-15-26-24.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na nagpasya ang langit na bigyan ka ng magagandang kapalaran bilang preparasyon sa Kapaskuhan. Wala kang dapat gawin kundi ang humiling sa langit dahil ito ay agad na matutupad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-24-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Wala kang dapat ipag-alala sa mga ikikilos mo. Ang magbibigay sa iyo ng matinding alalahanin ay kapag ayaw mong kumilos ngayon. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-19-22-28-30-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka. Kung hindi ka naman makikipagsapalaran, mananalo ka pa rin dahil ang kapalaran mo ay nagsasabing, magagandang bagay ang mararanasan mo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-18-21-25-28-33-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi pa buo ang loob mo, magagawa mo. Ang masuwerteng balita ay magbubunga ng matatamis na resulta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-15-17-22-29-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang mga kilos mo ngayon dahil biglaan at tila hindi na dumaan sa isip mo ang mga suwerteng darating sa buhay mo. Ang hiwagang ito ay nagsasabing, langit mismo ang nagbigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-19-20-25-34-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakaalalay ang mga nagmamahal sa iyo. Wala kang karapatang mabuhay sa kalungkutan nang matagal dahil maaapektuhan ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-18-22-23-31-32-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kikilos ang langit para sa iyong kabutihan. Sa una, hindi mo maiintindihan at sa huli, mauunawaan mo na ang hindi mo kaya, ang nasa itaas ang kumakaya at gumagalaw para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-24-26-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutukan mo ang anumang may kaugnayan sa pagkita ng pera. Huwag mo munang pagkaabalahan ang walang kaugnayan sa kabuhayan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-14-15-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ayaw mo sa iyong pagiging mahiyain, kaya kikilos ka na ikaw ay parang malaya at punumpuno ng tiwala sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-19-20-25-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahan-dahan, pero biglaan. Ito ang iyong mararanasan ngayon, ibig sabihin, sa una ay nag-aalala ka, pero kikilos ka na parang wala kang iniintindi. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-21-27-39-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibiguin ng nasa malayo, pero ang nasa malapit ay ganu’n pa rin, kung saan wala kang maaasahan sa kanila. Ngayon, puwede mong makuha ang gusto mo mula sa nasa malayo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-14-17-28-39-41.




Comments