top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 23, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 23, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2021 (Sabado): Yayaman ka sa pagnenegosyo at hindi ka tatagal sa pamamasukan. Ito ay dahil tulad ng nasabi na, pagnenegosyo ang iyong linya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malaki ang posibilidad na dumami ang kita mo. Simple lang ang kailangan mong gawin, makipagsapalaran ka. Kumbaga, huwag kang maduwag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-29-35-42-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon, ang gusto ng langit ay sumaya ka. Sundin mo ang kalooban ng nasa itaas nang sa gayun, ang iyong mga kahilingan ay pagbigyan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-20-25-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang mga nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Pinagbigyan mo sila pero hindi sila makatakas sa batas ng karma na kapag mali ang ginagawa ay aani rin ng maling kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-23-37-31-37.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong gamitin ang kupas na ang kulay. Dahil sa araw na ito at iba pang mga araw, ang gagamit ng may kislap ay gaganda ang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-19-20-25-34-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ngayon ang panahon ng pamamahinga sa pagkita ng pera. Ang totoo, para sa iyo, ngayon ang takdang panahon para mas paramihin pa ang laman ng iyong kaban-yaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-30-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mangutang dahil ang nagpapautang ang yumayaman. Huwag kang tumulad sa marami na masabi lang na may negosyo pero baon naman sa utang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-30-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang paglakas ng gayuma mo. Mapapansin sa nakaaakit mong mga kilos at tinig na mas lumambing ang dating. Pag-aralan mo kung paano pakikinabangan ang gayuma mong ito na palakas nang palakas sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-16-27-39-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang matakot na magdagdag ng puhunan. Iwasan mong magamit sa personal na bagay ang mga kinikita mo. Ito ang payo ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-16-21-26-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya kang kikilos kaya mahahawa sa iyo ang mga nasa paligid mo. Isang magandang senyales ito na nagsasabing mapabibilis ang pagsasakatuparan ng inyong pinagtutuunang proyekto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-14-17-22-29-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Wala namang mawawala sa iyo kapag sinunod mo ang payo na isuot ang iyong alahas kahit nasa bahay ka lang. Ang totoo, may madaragdag pa sa iyo dahil susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-23-28-33-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Hindi na mahalaga kung naniniwala o nag-aalinlangan ka. Noon pa nagpasya ang langit at hindi na magbabago pa kailanman, na ngayon ay magiging mapalad ka. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-19-20-27-35-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang napasaiyo na ang kahilingan mo sa langit. Isang makabagong pormula ito ng pananagumpay na nagsasabing ang mga kilos na positibo ay nagkakatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-15-21-28-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page