top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Oktubre 22, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 22, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 22, 2025 (Miyerkules): Marami ang hihingi ng alalay sa iyo. Huwag mo silang tanggihan, dahil may mga dala silang suwerte na iyong mapapakinabangan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Hayaan mo lang ang mga palakontra at hindi nakakaunawa. Sa huli, makikisakay rin sila sa iyo. At mari-realize nilang ikaw ang pormula ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-23-27-38-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Positibong pananaw ang magsisilbi mong pampasuwerte ngayon, sa pagdating ng mga magagandang pagkakataon, mas lalo mo pang mapapaunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-19-26-35-44.


GEMINI (May 21-June 20) – Pilitin mong buhayin at pasiglahin ang iyong isip. Sa ganitong paraan, hindi ka masisingitan ng anumang pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-25-28-30-34.


CANCER (June 21-July 22) – Hanga sa iyo ang langit dahil sa istilo ng iyong pagmamahal. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-16-21-24-33-40.


LEO (July 23-Aug. 22) – Hayaan mong makaporma ang iyong mga karibal at kakumpitensya. Dahil ang totoo, hanggang porma lang naman sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-28-30-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Kung ano ang makakaganda sa kasalukuyang kalagayan mo, gawin mo na agad. Sa mga araw na ito at sa darating pa, walang duda, pawang magaganda lang ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-20-31-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kung sino ang makakatulong sa kabuhayan mo, siya ang piliin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-22-32-35-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Nagpapatuloy ang pagganda ng takbo ng iyong buhay. Ipagpatuloy mo rin ang iyong kasalukuyang pananaw; ang anumang pagbabago ay hindi makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-20-25-30-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Tulad ng naggagandahang mga bulalakaw, ang kapalaran mo ay napapalamutian ng mga suwerteng magbibigay sa iyo ng malaking pagyaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-22-29-37-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Aakalain mong matatalo ka ng iyong mga karibal, dahil sa biglang tingin ay higit silang malakas, pero ang mangyayari, bigla silang magsisibagsak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-21-28-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil lilipad at maglalayasan na ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-15-26-31-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Kikilos ka na parang wala ka sa sarili at parang hindi nag-iisip, pero mahimalang ang mga kilos mo ay maglalapit sa iyo sa kung saan ay uunlad ka, mabilis na yayaman at liligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-28-33-39-41.

1 Comment


mary coca
mary coca
Oct 23, 2025

Quordle game is more than simply a daily puzzle; it's a global sensation that keeps you interested and challenges your cognitive skills. There are only six chances to discover the secret word, so every decision matters. Its simplicity, entertainment value, and addictive qualities make it perfect for players of all ages.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page