Horoscope | Oktubre 22, 2022 (Sabado)
- BULGAR
- Oct 22, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 22, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 22, 2022 (Sabado): Malakas at suwerte ka, ito ang dahilan kaya marami ang naiinggit sa iyo. Ang iba ay malakas lang, pero hindi naman buwenas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang alam mong wala namang sinasabi. Sila ay mahihina at naghahanap lang ng idadamay. Ito ang bilin sa iyo ng kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-19-20-27-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Akala mo lang ay masikip ang mundo mo. Hindi ito totoo, dahil ang totoo ay ayaw mong lakasan ang iyong loob na makipagsapalaran para sa iyong magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-31-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng bago at maglalapitan sa iyo ang mga suwerte. Kapag luma ang naisuot mo, sa maniwala ka o hindi, ang lalapit ay ang mga dati nang nandaya at nanloko sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-24-29-32-42.
CANCER (June 21-July 22) - Lumayo ka sa mga iyakin at paladaing. Sila ang tunay na dahilan kaya mailap sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang masuwerteng payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-27-30-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon muling mararanasan ng mga lihim mong kaaway na kapag nagnanasa sila ng hindi maganda para sa iyo ay lalo ka pang nilalapitan ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-28-30-34-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil ang lumang gamit na akala mo’y walang silbi ay iyong pampasuwerte. Magpasalamat ka sa nasa itaas upang tuloy-tuloy na bumuhos sa iyo ang mas marami pang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-18-26-27-37-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umayaw ka lang kung wala ka nang napapala at kung hirap ka na. Hindi ka puwedeng matangay ng biglaang pagpapasya, kaya isip at talino ang gamitin mo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-20-24-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang akala mo na walang magandang maidudulot sa iyo ay siya pa ang magiging dahilan kaya ang mga suwerte ay nagsisidapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-28-30-41-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi inuunawa ang mahirap unawain, pero hindi rin ipinapayo na sila ay layuan mo dahil may mabubuti at magagandang pakinabang din sa kanila. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-10-14-28-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap paniwalaan, pero isang katotohanan na kaya malas ang ilang nasa paligid mo ay dahil napunta sa iyo ang kanilang suwerte. Ito ay isang hiwaga ng kapalaran. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-14- 21-28-30-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyong-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, makukuha mo. Huwag mong hayaan na makalagpas ang masuwerteng araw na ito, kaya hindi puwede na wala kang gusto. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-21-23-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Wala sa malayo ang suwerte mo. Kung gayun, nasaan nga ba? Saan pa, kundi nasa tabi mo. Ibig sabihin, huwag kang maghanap sa malayo at ang nasa tabi mo, siya ang panggagalingan ng iyong buwenas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-18-20-25-27-35.




Comments