Horoscope | Oktubre 22, 2021 (Biyernes)
- BULGAR
- Oct 22, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 22, 2021 (Biyernes): Huwag mong akalain na mahina ka. Mas malakas ka kaysa sa nag-aakalang sila ay malakas. Mabibigo ang iyong mga kalaban at sila ay aani ng masaklap na karanasan, habang ikaw naman ay patuloy na magtatagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manindigan ka! Kapag nakitang may paninindigan ka, mas maraming maniniwala sa iyo at mas mapapaunlad mo ang iyong buhay at pakikipagrelasyon sa mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapaimpluwensiya sa mapagpilit at makulit. Simple ang buhay mo at sa simpleng mga paraan, puwedeng-puwede kang umasenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-24-28-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong piliin. Oo, dumaan ka rin sa hirap, pero noon pa ‘yun at iba na ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-20-24-38.
CANCER (June 21-July 22) - Aahon at mapupunta ka sa mataas na kalagayan. Ito ay tiyak na mangyayari dahil kikilos ang kapalaran kung saan ang mga problema mo ay kusang malulutas at himalang maglalaho. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-16-19-20-21-24.
LEO (July 23-Aug. 22) - Balewalain mo ang mga intriga sa iyong buhay dahil masasayang lang ang panahon mo para patulan ang manlilikha ng mga ito. Ilaan mo na lang ang iyong oras sa mga makabuluhang proyekto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-15-16-21-25.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi naman gaanong mahirap talunin ang mga pagsubok sa iyong harapan. Magpakita ka lang ng tapang at lakas ng kalooban, biglang mawawala ang mga ito na parang bula na tinangay ng hangin sa kawalan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-16-20-21-26-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo nang mukhaan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Bakit ka matatakot? Marami ka nang napagtagumpayang mga pagsubok sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-10-21-24-30-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mong maging mag-isa kaysa may kasama ka upang hindi maging magulo ang iyong buhay. Sa pananahimik, nakikita ang landas na dapat tahakin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-16-19-20-24.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantalang maaantala ang mga gusto mong gawin dahil tatalunin ka ng hindi maipaliwanag na katamaran. Muli, ito ay pansamantala lamang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-14-18-22-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong mabibigo ka pero kapag itinuloy mo ang gusto mong gawin, ikaw na mismo ang magsasabi na talaga palang ang akala ay likhang-isip lamang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-27-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gibain mo ang pader ng kaduwagan na nakapalibot sa iyong kapalaran. Kumilos ka nang kumilos ayon sa iyong kagustuhan at makikita mo ang nasabing pader ay iyong matitibag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-23-30-35-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang magagawa ang mga kontrabida sa buhay mo na hadlangan ka sa iyong pangarap. Kaya mabuti sa tao na may pangarap at pinagsikapan itong matupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-indigo. Tips sa lotto-7-13-29-31-38-43.




Comments