Horoscope | Oktubre 21, 2025 (Martes)
- BULGAR
- 16 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 21, 2025

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 21, 2025 (Martes): Ituloy mo lang ang iyong pagsisikap. Makakaasa ka, maaabot mo rin ang iyong pangarap, at hindi ka matutulad sa mga nagsikap pero bigo pa rin sa buhay.
ARIES (Mar. 21–Apr. 19) – Mula sa ibaba, aangat ka! Kung pananatiliin mong buo ang iyong loob, tiyak na maaabot mo ang pinakamataas na antas ng tagumpay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20–May 20) – Darating ang mga suwerte mo kapag hindi umusad ang iyong buhay, dahil ayaw ng langit na mabuhay ka sa kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-23-27-38-42.
GEMINI (May 21–June 20) – Pagmasdan mo ang kapaligiran, at obserbahan mo ang mga kilos ng mga tao. Kapag nakita mo ang susi ng tagumpay, gamitin mo agad ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-17-25-35-41.
CANCER (June 21–July 22) – Huwag kang mag-aksaya ng panahon, kumilos ka nang kumilos at huwag mo ring hayaang maapektuhan ka ng mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-22-28-34-44.
LEO (July 23–Aug. 22) – Huwag mong ungkatin ang nakaraan, dahil sa sandaling naalipin ka sa nakaraan, tiyak na hindi ka na makakaabante. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-20-31-39-42.
VIRGO (Aug. 23–Sept. 22) – Kung sino ang nakakaangat, sa kanya ka dumikit upang umagat ka rin. Samantala, iwasan mong dumikit sa mga taong walang pag-asang umasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-19-27-36-43.
LIBRA (Sept. 23–Oct. 22) – Ipanatag mo ang iyong sarili, dahil langit na mismo ang kikilos para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-23-21-35-44.
SCORPIO (Oct. 23–Nov. 21) – Mananariwa ang kapalaran mo hanggang sa ganap na gumanda ang takbo ng mga pangyayari na pabor sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-25-28-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22–Dec. 21) – Mas magandang salubungin mo ang suwerte sa positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-18-26-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22–Jan. 19) – Muling ipapakita ng langit ang kanyang pagmamahal sa iyo dahil sa ipinamalas mong kagandahang-loob. Huwag kang magbabago, dahil ito ang inaasahan ng langit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20–Feb. 18) – Bilis ang susi mo para mapasakamay mo ang mga bagay na gustung-gusto mo. Kapag naging mabagal ka, lilipas ang magagandang oportunidad na nasa harapan mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-24-29-33-35-45.
PISCES (Feb. 19–Mar. 20) – Sinupin mo ang nasa iyo na para lumaki pa ito nang lumaki. Muli, sinupin mo ang nasa sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-27-34-37-42.
Comments