Horoscope | Oktubre 21, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 21, 2022 (Biyernes): Kumikilos ang kapalaran para maabot mo ang iyong mga pangarap. Makakaasa ka na ang lahat ay lubos na magkakaroon ng katuparan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagkamali ang mga lihim mong kaaway dahil sa pagkilos nila, lalo pang gaganda ang buhay mo. Kahit ano ang gawin nila, mananatili ang proteksyon mo mula sa langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-24-27-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang suwerte at siya ay ang isang taong may sinasabi na magpapakita sa iyo ng magaganda at ang gusto lang naman ay ang mapalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-22-25-29-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka dahil noon pa nagpasya ang langit na bigyan ka ng masasayang araw, kung saan makakabahagi ang malalapit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-26-27-38-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Sasakit ang loob mo dahil aakalain mong ikaw ay pinagdadamutan. Pero ang totoo, kumukuha lang siya ng tiyempo para mabigyan ka ng magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-25-26-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap kang abutin ngayon. Kahit hindi ka naniniwala, mas maganda na magpakababa ka dahil ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan mo sa simpleng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-28-30-31-32-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapansin mo sa araw na ito na ang mga tao ay hirap makaintindi. Huwag kang kumibo dahil mas sasakit ang ulo mo sa tao na nahihirapang makaunawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-24-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahirap, bagkus, madali lang ang sikreto kung paano magdadagsaan sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ay nagsasabing, magbawas ka ng mga lumang gamit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-27-30-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Uunlad pa ang buhay mo dahil marami pang inilaan sa iyo ang langit na paparating na sa iyo ngayon. Hindi dapat mamatay ang ningas ng iyong pag-asa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-28-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ito ay nagsasabing, kahit dumami ang iyong obligasyon, kayang-kaya mo pa rin itong gampanan. Palagi kang magpasalamat sa langit upang patuloy kang bigyan ng magagarang suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-23-34-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aangat ka, ito ang gusto ng langit para sa iyo. Kapag ginusto ng langit, tiyak na mangyayari at walang sinumang puwedeng humadlang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-23-26-27-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madadagdagan ang bilang ng mga puwede mong pakinabangan. Ang mga ito ay ang taong naaakit sa iyo dahil ayon sa kanila, sila ay sumasaya dahil sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-20-27-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pamamasyal at pagrerelaks ang laman ng iyong isipan. Kung hindi mo magagawa ngayon, magplano at maghanda ka para sa isang maikling pagbabakasyon. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-26-28-30-35.




Comments