Horoscope | Oktubre 21, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 21, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 21, 2021 (Huwebes): Itinalaga ka sa matataas na puwesto dahil isinilang ka para humawak ng mga tao. Sa ganitong paraan, ikaw ay magkakaroon ng maunlad na buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makipagsosyo nang hindi ikaw ang mamamahala. Hindi tama kapag ikaw ay sunud-sunuran lang sa iyong kasosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-24-38-40-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipagkakaloob sa iyo ang karapatang pamunuan ang isang grupo na may malaking papel na gagampanan para makarekober at umabante nang todo ang iyong pinaglilingkuran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-12-25-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipagdamot ang iyong magagandang ideya para sa kapakanan ng nakararami. Ang totoo, ikaw ay imbakan ng mga kakaibang pormula na makatutulong sa mga tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-23-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo papansinin ang mga kahinaan at pagkukulang. Kaya ang oportunidad na madagdagan ang kinikita mo ay ipagkakaloob sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-17-25-27-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumababa ang iyong pagkatao dahil hindi mo magawang itago ang pribado at personal mong buhay. Huwag mong kalimutan na ang personal na buhay ay dapat nasa iyo lang at hindi para sa lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-20-28-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ang buhay mo ngayon at aangat muli sa malapit na hinaharap. Kumikilos ang iyong kapalaran upang ang mga karibal at kakumpitensiya mo ay maiwanan mo nang milya-milya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-26-27-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilalapit ka ng kapalaran mo sa mga may sinasabi at may kakayahang bigyan ka ng masarap na buhay. Hindi mauubos ang mga taong handang paglingkuran ka at magpaalipin sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-14-25-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naiinis ka sa taong palagi kang pinangungunahan. Ang magandang balita, maaaring hindi mo paniwalaan pero ito ay nagsasabing siya ang magsisilbing pampasuwerte mo sa mahabang mga araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-18-20-22-24-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng mga hindi mo tinanggihan sa nakaraan. Mararanasan mo ang nakatutuwang kasabihan na rito sa mundo, ang buhay ay pagtutulungan nang wagas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-14-26-31-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lakasan mo ang iyong loob. Kapag malakas ang loob mo, ang mga suwerte ay maaakit mo. Ito ay dadapo sa buhay mo at hindi ka iiwanan magpakailanman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-25-26-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang masaya kahit may ilang problema kang dinadala. Dahil noon pa man, kapag masaya ka, ang magagandang bagay ay nagdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-21-23-32-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang susuwertehin. Hindi man kalakihan at hindi rin gaanong karamihan, sapat ito upang masabi mo na ang langit ay pinahahalagahan ang iyong mga panalangin at kahilingan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-20-23-28-39-40-46.




Comments