top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Oktubre 20, 2021 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 20, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2021 (Miyerkules): Malambot ang iyong damdamin kaya madalas ay naaawa ka sa hindi naman dapat kaawaan. Pero dahil sa iyong kabaitan, lalo kang pinagpapala ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang iyong emosyon. Sa negosyo, hindi dapat pinaiiral ang damdamin. Kabuhayan ang iyong tutukan ngayon kaysa sa anumang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-23-39-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka, naglipana ngayon ang mga mapagsamantala na ang hinahanap ay may mahihinang kalooban. Sila na mahihina ay hindi nakakatanggi sa mga mandaraya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-25-26-44-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Hanapin mo ang mga bagay na magpapasaya sa iyo. Layuan mo ang mga magbibigay sa iyo ng lungkot dahil sa ganitong paraan, lalakas ang iyong kalusugan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-24-25-36-42.


CANCER (June 21-July 22) - Manghiram ka ng susi ng tagumpay mula sa nakikita mong umaasenso. Hindi masama ang manghiram para sa ikagaganda ng iyong buhay. Ang masama ay ang manatili sa kahirapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-28-30-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maawa ka at ito ay maganda dahil ang pagiging maawain ay magandang katangian. Ingatan mo lang na ang iyong kaaawaan ay iyong mamahalin. Ang pag-ibig at awa ay hindi magkatulad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-22-25-26-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo sa buhay dahil nakita ng langit na ang iyong kabaitan ay wagas at dalisay. Sa pagdating ng mga biyaya, bigyang-tuwa mo ang mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-29-30-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong pagmamahal sa mismong nagmamahal sa iyo. Ang pagdamutan mo ng iyong pagmamahal ay ang sinasamantala lang ang iyong kabutihang loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-21-29-32-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinabalita ng araw na ito na ang mga bituin sa langit na iniuugnay sa magagandang kapalaran ay parang nagkaisa na pagkalooban ka ng malalaking suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-25-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isip ang paganahin mo at hindi ang damdamin. Madalas, kapag ang damdamin ay nakialam sa hanapbuhay ay nagreresulta sa pag-atras ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-19-24-28-34-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pera o ligaya? Walang pagdududa na ang huli ang iyong pipiliin. Magtataka naman ang ilan sa malalapit sa iyo dahil sa gagawin mong pagpapasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-26-30-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag sumasakit ang ulo mo dahil sa problema, mamasyal ka. Kapag hindi ka makapagpasya, lumayo ka na. Sa ganitong paraan, lilinaw ang iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-19-28-30-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalapit sa iyo ang suwerte. Kaya kung sino ang biglang lumapit sa iyo, siya at wala nang iba ang suwerte mo. Muli, lalapit sa iyo ang suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-11-14-16-24.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page