Horoscope | Oktubre 2, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- 18 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 2, 2025

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 2, 2025 (Huwebes): Lihim kang matuwa kapag may nandadaya sa iyo, dahil langit mismo ang magbibigay sa iyo ng malaking gantimpala at dambuhalang suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na ang tamang panahon para sa pagkakawanggawa. Magtiwala ka, dahil nakamasid sa iyo ang langit at tinitiyak Niya na makatatanggap ka ngayon ng malaking biyaya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makibahagi ka sa mga gawaing nakapagbibigay-saya sa iba. Kapag ginawa mo ‘yan, langit mismo ang magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-23-25-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman nawawala ang mga problema. Kaya ituloy mo lang ang gusto mong gawin at huwag mong alalahanin ang mga bagay na pangkaraniwan lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-13-16-21-33.
CANCER (June 21-July 22) - Aalalayan ka ng langit, kaya walang dahilan para maduwag ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-22-27-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kakabahan ka ngayon, pero ang kaba na mararamdaman mo ay may kasamang malaki at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-17-29-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong habulin ang mga umaalis, dahil tulad ng ibon, muli rin naman silang bumabalik. Sa pagbalik nila, mas matamis at walang patid na paglalambing na ang kanilang gagawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-28-35-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang pakiramdam mo para hindi ka nila malamangan. Puwede mo rin gamitin ito para manalo ka sa pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-15-22-32-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi lang saya ang hatid ng positibong personalidad dahil nagbibigay rin ito ng suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-24-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili, bagkus pasayahin mo ang iyong sarili. Kapag masaya ka, mas lilinaw ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-25-31-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagigising na ang mga natutulog. Kasabay nito, magigising na rin ang natutulog mong suwerte, at ang mga walang bilid sa iyo ay magugulat dahil sa galing at husay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-26-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hanapin mo ang ligaya sa malayo. Gayunpaman, puwede mo rin naman itong hintayin. Ito ang gawin mong gabay ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-26-30-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mo munang malungkot upang makaranas ka ng sobrang kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-23-33-39-45.
Comments