top of page

Horoscope | Oktubre 19, 2025 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 19, 2025



Horoscope



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 19, 2025 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng suwerte. Sa katunayan, ikaw ang dahilan kung bakit sinusuwerte ang mga kapamilya at mahal mo sa buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo ang mga plano mo at huwag kang  mag-aalinlangan. Ito ang mensahe sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-24-39-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nababalot ng putik at lupa ang wagas at dalisay na ginto. Huwag kang maniwala na may magandang kita sa hindi pinaghirapang career, hanapbuhay o proyekto. Ito ang itanim mo sa isip mo para hindi ka maloko. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-15-21-34-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Muli mong balikan ang mga nauna mong ideya, dahil kapansin-pansin na nawala at nakalimutan mo na ang mga ginagawa mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-14-23-33-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Dadalawin ka ng mga suwerte, lalo na’t ayaw ng langit na nagtatampo ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-17-22-26-30-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mapalad ang araw na ito para sa pagkakawanggawa. Pero tandaan mo, ang pagkakawanggawa ay para lang sa mga walang kakayahan at hindi para sa mga tamad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-24-31-38-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong magtagal sa mga pansamantalang pagsasaya. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-25-29-37-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang dagdagan ang mga pabigat sa buhay mo. Kapag nahihirapan ka, layuan mo agad sila. Hindi ka ipinanganak para maghirap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-20-27-33-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdahan-dahan ka para makita mo ang mga mahahalagang bagay. Sa ganitong paraan, hindi ka masasaktan, at mas gaganda pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-19-23-34-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magiging palakuwento ka ngayon at ikagugulat ito ng mga tao sa paligid mo. Isang malinaw na palatandaan ito na darating na ang mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-22-24-32-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alam mo ba kung bakit nakamasid sa iyo ang langit? Dahil binabantayan ka Niya laban sa mga kontrabida na gustong pumorma laban sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-16-21-28-36-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagkakagulo ang madaming ideya. Kaya pumili ka lang ng isa at gawin mo agad ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-26-30-38-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na hinihintay mo. Ingatan mo itong mabuti, dahil matagal pa bago ito bumalik sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-20-25-34-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page