top of page

Horoscope | Oktubre 18, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 18, 2025



Horoscope



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2025 (Sabado): Ikaw at ang panalo ay iisa lang. Ibig sabihin, hindi ka matatalo sa anumang laban ng iyong buhay. Kaya labanan mo lang ito nang labanan at huwag mong aatrasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling magbabalik ang mga araw na kung saan ay mas malakas ka kesa sa iyong mga karibal. Gayunpaman, mas maganda pa ring iparamdam mo sa kanya na pantay lang kayo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-19-24-37-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin ang pagiging mahiyain mo at ito ay isang positibong bagay. Kaya naman, lalapit din sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-27-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong lumabis ang tiwala mo sa sarili mo. Marami ang nasasaktan sa kawalang-ingat na nag-aakalang ang lahat ay umaayon sa kanilang gusto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-28-32-38-44.


CANCER (June 21-July 22) - Tatapang ka, at ito ay biglaan. Magugulat ka mismo dahil ang mga hindi mo nagawa noon ay kaya mo nang gawin ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-16-23-25-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang dapat unahin. Hindi ka dapat matangay ng emosyon. Tandaan mo, hindi ka mahina, kaya tiyak na maaayos mo lahat ng gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-12-29-31-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pakinggan mo ang bulong ng sarili mo na kailangang labanan mo ang mga negatibong kahinaan mo, nang sa gayun ay maiwan mo ang iyong mga kakumpitensya at kalaban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-25-34-37-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang magandang panahon para bilangin ang mga biyayang kaloob ng langit. Ngayon din ang panahon para magpasalamat. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-21-28-30-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yon lang ang gawin mo. Ito ang ilagay mo sa isip mo habang nag-aayos ka ng mga ipangreregalo sa nalalapit na Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-20-26-31-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakikita ng nasa Itaas ang mga kabutihan mong ginagawa. Kaya naman, gagantimpalaan ka ng langit ng mga magagandang kapalaran at kakaibang suwerte na ngayon mo lang mararanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-9-12-24-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakitaan mo ng pagmamahal ang mga taong nagmamahal sa iyo. Sa ganitong paraan, labis na matutuwa sa iyo ang langit at susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-27-33-37-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lahat ay puwede mong pagbigyan. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-20-25-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi hadlang ang layo para hindi mo mapasaya ang taong mahalaga sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-28-30-35-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page