top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Oktubre 18, 2022 (Martes)

BULGAR
Oct 18, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 18, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2022 (Martes): Inaasahan nang magtatagumpay ka dahil ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay malalaking panalo laban sa mga hamon ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, hahayaan ka ng langit upang malubos ang iyong kagalakan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-29-30-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Ang totoo, kahit hindi mo pansinin ang ilang suwerte na darating sa iyo, muling magbabalikan ang mga ito dahil talagang nakalaan na ito sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-28-30-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Malakas ang kalaban mo ngayon. Maghintay ka ng tamang sandali dahil matatalo mo pa rin siya. Ang totoo, lakas lang ang kanya at ang sa iyo ay talas at bilis ng isip. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-16-22-24-29-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Bumanat ka, sapagkat ito ang araw kung kailan mananalo ka kapag nagkaroon ka ng lakas ng loob na gawin ang kinokontra ng mga tao sa iyong paligid. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-21-28-36-37-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong maliitin ang iyong karibal. Walang tigil siyang nag-iisip kung paano ka maiisahan. Ingatan mong lumabis ang kumpiyansa mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-12-15-27-30-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli, ipinapaalala sa iyo na kilos ang kailangan mo. Hindi mo na kailangang magplano ulit, bagkus, ang kailangan mo ay ang ipatupad ang dati mo nang mga balak. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-21-25-28-36-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang nasa iyo na at pahalagahan mo ang hawak mo na. Sa ganitong paraan, ang buhay mo ay magiging maganda at hindi na mauulit ang mga kabiguan mo. Masuwerteng kulay- aquamarine. Tips sa lotto-15-20-22-26-33-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaloob ng langit, tanggapin mo. Sa ganitong paraan, sobrang matutuwa sa iyo ang nasa itaas. Pagpapalain ka ng langit at ang mga biyaya ay bubuhos upang ikaw ay lalong sumaya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-24-28-30-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalo pang lalakas ang loob mo. Makakadama ka ng kakaibang sigla na para bang kaya mong gawin kahit ang mga imposibleng mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-23-36-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumiin ka, kumbaga, huwag kang pumayag na makuha ng iba ang gusto nilang agawin sa iyo. Makakaasa ka na mabibigo sila dahil sa pagdiin mo, isa-isang mawawala ang iyong mga kalaban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-25-27-34-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ayawan ang maliit na suwerte na nasa iyong harapan. Sa maniwala ka o hindi, kapag nasa iyo, ang maliit ay malaki pala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-19-27-29-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasayahin mo ang iyong sarili at magugulat ka dahil ang saya mo ay aabot sa maraming araw na darating at puwede ring maging panghabambuhay. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-21-24-25-35-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page