top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Oktubre 18, 2021 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 18, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2021 (Lunes): Tanungin mo ang iyong sarili, may ambisyon ka ba sa buhay o wala? Kung mayroon, tinitiyak ng kapalaran na makakamit mo ito at ikaw ay tiyak ding magtatagumpay at yayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ay araw mo at ang ilang araw na darating ay iyo pa rin. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, ngayon mo na simulan ang muling pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-23-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang naman ang iyong kailangan at mapasasaiyo ang malalaki mong pangarap kaya kahit kailan, hindi ka dapat maduwag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-28-34-36-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Babalewain mo ang mga payo, ipagpaliban mo muna ang proyektong gustong-gusto mo. Ang masayang balita ay nagsasabing, tama ang gagawin mong pikit-matang pagsugod. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-21-23-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang umiwas. Malakas ka ngayon at papalakas ka pa nang papalakas. Ang dapat umiwas ay ang mga nag-aakalang mahina ka at hindi ka buwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-22-26-27-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi bingi ang langit sa mga kahilingan mo. Nagsisikuha lang ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo nang sa gayun ay mapahiya ang mga taong minamaliit ka at umaapi sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-19-21-29-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magugulat ka ngayon dahil ang hindi mo nagawa sa nakaraan ay magagawa mo na. Ang pangyayaring hindi ka makakilos noon ay hindi na mauulit dahil makikitang kilos ka nang kilos para sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-17-20-23-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling mangyayari ang senaryong mapupunta sa iyo ang ayaw mo. Muli mo ring mararanasan na habang malungkot ka dahil akala mo ay nabigo ka ay mapapalitan ng saya at labis kang sisigla. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-22-24-33-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalabas ang lakas ng iyong loob na matagal nang natutulog. Mararamdaman mo na ang mga imposible noon ay posible na ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-24-26-34-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumabay ka sa takbo ng panahon at hindi ka mapag-iiwanan. Huwag kang mag-alala, ayon sa kapalaran ay mapasasaiyo ang lahat ng sarap sa buhay sa modernong panahon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-23-25-34-48-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag iginagalaw ang katawan, ang kaduwagan ay naglalaho. Kapag kilos nang kilos kahit hindi tiyak ang layunin, sa huli ay matutuklasan mo na nasa paanan mo na ang tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-15-23-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit litong-lito ka sa buhay mo, mapasasaiyo pa rin ang mga gusto mo. Hindi naman mahalaga kung may galing ka o wala, noon pa man ay nakalaan na sa iyo ang masayang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-30-34-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang iyong kutob at hindi ka mapapahamak. Sundin mo rin ang pandama mo at masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-17-21-24-39-40.

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page