top of page

Horoscope | Oktubre 17, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 17, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 17, 2025 (Biyernes): Pinapatibay ka ng iyong kapalaran. Kaya hinahanda na ng langit ang malalaki at mabibigat na grasya para sa iyo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habang nagsusumikap ka ngayon, gagantihan ka naman ng nasa Itaas. Kung isa lang ang itinanim mo, ito ay aani ng dalawa, apat, walo at labing-anim pa. Ganyan ang mga suwerteng sunud-sunod na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-19-24-30-32.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto mo bang suwertehin? Kung “oo” ang iyong sagot, huwag mong layuan ang mga taong kinaiinisan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-14-28-33-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong kapalaran. Huwag mong isipin na hindi ito mabuti para sa iyo. Dito sa ibabaw ng mundo, lahat ay nangangailangan ng pahinga. Pagkatapos ng pahinga, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ibubuhos sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-15-21-25-27.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba at nakakagulat ang kapalaran mo ngayon, dahil mula sa mga gipit na kalagayan, bigla kang bubuwenasin ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-20-22-38-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit mabawasan ng malaki ang laman ng bulsa mo, matuwa ka pa rin. Tandaan mo, sa tuwing natatalbusan ang mga halaman, mas lalo itong lumalago at dumarami. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-19-26-34-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maiinip ngayon. Ang mga taong marunong maghintay ay makakatanggap ng mga bagay na gustung-gusto nila. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-10-23-28-31-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkakamali ang mga taong nagbibigay kalungkutan sa iyo, dahil sa halip na malungkot ka, sila pa mismo ang nalulungkot. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-29-35-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sinumang magtangka na alamin ang malalim mong pakatao ay maalipin mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-17-20-25-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ikaw ay pinapayuhan na ang ibibigay sa iyo na hindi mo gusto ay ingatan mo dahil ito mismo ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-21-24-28-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bilang isang katuwaan at seryosong bagay, pakitaan mo nang mabuti ang iyong kaaway. Magugulat ka, dahil ang malalaking suwerte ay mapapasaiyo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-12-27-30-38-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo. Anuman ang planuhin at isagawa mo, lahat ito ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-29-36-39.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga taong pabigat. Ito ang simpleng paraan upang gumaan ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-26-32-34-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page