top of page

Horoscope | Oktubre 16, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 16, 2025



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2025 (Huwebes): Kapag napansin mong hindi maganda ang takbo ng iyong kapalaran, lumayo ka muna upang muling manariwa ang mga suwerte mo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maglalaro sa isipan mo ang mga naggagandahang ideya. Kung mamimili ka kahit isa at lalakipan mo ito ng pagkilos, tiyak na mas lalo pang gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-28-30-33-36.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong naiisip mo. Mas maganda kung tututukan mo ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-25-34-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos mo dahil masisingitan ka ngayon ng pagdududa. Gayunpaman, pansamantala lang ito dahil muling lalabas ang hilig mong makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-14-21-32-37-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Tatabihan ka ng suwerte. Kumbaga, lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Kaya huwag kang mabibigla ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-15-22-28-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hayaan na matalo ka ng init ng iyong ulo. Tandaan mo, walang magandang naidudulot iyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-23-30-39-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat maapektuhan ng mga kontrabida ngayon. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-16-25-32-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing kung saan ka masaya, ru’n ka! Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-28-35-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw ang masusunod ngayon. Kaya ang payo para sa iyo ay maging positibo, nang sa ganun ay maging positibo rin ang mga malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-27-30-36-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpupumilit ang mga kontrabida para maisahan ka. Gayunpaman, wala rin silang magagawa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-15-26-33-38.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli kang mananalo. Sa katunayan, hindi ka naman talaga natatalo, dahil lagi namang nakaabang sa iyo ang mga suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-22-24-36-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na magbabago ang takbo ng iyong kapalaran, pero isa lang din naman ang patutunguhan nito, na kung saan magkakaroon ka ng masaya at masarap na buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-12-25-30-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag. Sa ayaw at sa gusto mo, ngayon na magsisimula ang pag-unlad ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-16-26-39-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page