Horoscope | Enero 14, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 14, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 14, 2026 (Miyerkules): Mabibilis ang mga pangyayari sa buhay mo. Kaya dapat mabilis ka ring kumilos. Gamitin mo ang talas ng iyong isipan upang mabilis kang umasenso.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Daig ng maagap ang tatamad-tamad. Ito ang itanim mo sa isipan mo ngayon para hindi ka maunahan ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-23-26-34-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Walang puwang ang pag-aalinlangan. Sa lahat ng pagkakataon, ang pagdadalawang-isip ang dahilan kung bakit napag-iiwanan ang isang indibidwal. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-12-20-23-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangkang magdulot sa iyo ng kalungkutan at kabiguan, langit mismo ang makakalaban. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-16-21-25-30-44.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat sa mga walang tigil sa pagkukuwento. Madalas ang motibo nila ay para maisahan ang nakikinig. Tandaan mo, hindi lahat ng madaldal ay may mabuting intensyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-28-31-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ayaw mo na, hindi mo mapipigilang tulungan ang taong minsan nang nandaya sa iyo. Alam mo kasing kahit papaano ay may pinagsamahan din kayo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-22-29-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22)- Unti-unti nang aalisin ng langit ang mga sagabal, para na rin makuha mo ang pinakagusto mo sa buhay. Magpasalamat ka, dahil simula ngayon, isa-isa na Niyang ipagkakaloob sa iyo ang iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-26-35-37-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22)- Kikilos ka na para bang wala kang problema, at ang nakakapagtaka, kusa ring mawawala ang mga pasanin hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-24-27-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Darating na ang mga taong matagal mo nang hinihintay at inaasahan. Sila mismo ang magpapasaya sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-16-28-36-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madarama mo na espesyal ka sa mata ng langit. Ang kahilingan ay pinaghihirapan, ngunit ang para sa iyo ay darating na para bang bulalakaw. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-12-29-35-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Humugot ka ng lakas ng loob sa taong pinagkakatiwalaan mo, at kumuha ka rin ng tapang sa karibal mong mapagpilit. Sa ganitong paraan, hindi ka kailanman matatalo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-16-23-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaiba ang galaw ng iyong katawan, dahil hindi lang tao ang maaakit mo ngayon kundi pati na rin ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-11-23-31-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag mabagal ka, mauunahan ka. Ito ang isang batas ng kapalaran na nagsisilbing babala para sa iyo. Kaya gumamit ka ng bilis at sigla para manalo ka. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-15-25-27-39-45.







Comments