ALAMIN: SUWERTENG HATID NG KULAY DILAW SA 2026!
- BULGAR

- 15 hours ago
- 4 min read
ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Dec. 13, 2025

Nitong nakaraang araw ay natalakay na natin ang Cloud Dancer, o kulay puti, bilang Color of the Year, na sumisimbolo ng serenity, calm, peace of mind, purity, at new beginning.
Habang ayon naman sa karunungang Chinese Elemental Astrology, red o pula umano ang kulay ng taong 2026, base sa elementong Apoy o Fire na taglay ng mismong taong 2026.
Bukod sa taong 2026, tunay ngang ang fixed element na tinataglay ng Horse o Kabayo ay ang elementong Fire o Apoy, kaya walang duda na ang taong 2026, na tatawaging Year of the Fire Horse ay nagtataglay ng pula.
Ang pula ay sumisimbolo ng sex, pag-ibig, romansa, sulak ng dugo at tibok ng dibdib, kasiglahan, mainit at nag-aapoy na enerhiya, kasaganaan sa kabuhayan, malulutong at makakapal na halaga ng salapi.
Samantala, kung aangat pa tayo ng isa pang level sa ating asignatura at pagbabasehan naman natin ang karunungang Numerology, mapapansin na ang taong 2026 ay kinokompyut ng ganito: 20 + 26 = 46 / 4 + 6 = 10 at ang 10 ay 1 + 0 = 1. Kaya naman, kung Numerology ang tatanungin, sinasabi na ang taong 2026 ay pinaghaharian ng numerong 1, na nagtataglay ng ruling planet na Sun.
At alam naman nating lahat na ang Sun ay nagtataglay ng kulay yellow o dilaw, kaya lahat ng uri ng kulay na yellow o dilaw ay magiging mapalad din sa taong ito, lalung-lalo na ang golden yellow at ocher yellow.
Ang dilaw o yellow ay kumakatawan din sa init ng araw, sa bukang-liwayway, at bagong simula. Ito rin ay naglalarawan ng isang masaya, bagong umaga at isa pa, sumasagisag din ito ng optimism, sunshine, warm energy, happiness, at joy.
Samantala, ang gold o ginto naman ay sumisimbolo ng limpak-limpak na halaga ng salapi at bultu-bultong kayamanan.
Kaya walang duda, sa taong ito ng 2026, isa-isa nang mamumunga ng ginto ang mga pagsisikap na itinanim natin ngayong taon.
At tulad ng pula, ang dilaw ay nagbabadya at nagbabalita rin ng isang bagong simula, na may hatid ng mas maunlad at mas masaganang buhay sa buong taon ng 2026.
Bukod sa Cloud Dancer… PULA, OKS DIN PAMPASUWERTE SA 2026!
Issue: December 13, 2025
Noong nakaraang araw ay natalakay na natin ang patungkol sa kumpanyang Pantone, na dalubhasa sa color matching system na ginagamit sa fashion, product design at maging sa business setting.
Kaya naman ang kulay na Cloud Dancer o kulay puti ang mamayaning kulay sa taong 2026 na tatawaging Color of the Year.
Ngunit kung iisipin at pag-aaralang mabuti, hindi naman sinasabi ng Pantone na ang Cloud Dancer o ang kulay ng ulap na puti ang suwerte at mapalad na kulay sa taong 2026, dahil wala naman silang kaugnayan sa pamahiin, fortune telling o maging sa pagpu-punsoy ng mga bagay-bagay.
Kaya dadako na tayo at sasagutin na natin ang tanong na “Ano ba ang sinasabi ng karunungang Chinese elemental astrology tungkol sa suwerteng kulay sa taong 2026?”
At dahil ang 2026 ay nagkataong pinaghaharian ng animal sign na Horse, na taglay ang elementong fire o apoy ng year 2026, at magsisimula ang Chinese New Year sa February 17, 2026, ibig sabihin mula February 17, 2026 hanggang February 5, 2027 ay mamamayani ang animal sign na Horse na taglay ang elementong apoy o fire.
Tandaan, ang bawat animal sign ay may fixed element, at nagkataong ang fixed element ng Horse o Kabayo ay fire o apoy. At huwag din nating kalilimutan na ang bawat taon sa Chinese elemental astrology ay may naka-assign na element, at nagkataong ang year 2026 ay may elementong fire o apoy.
Kaya mapapaisip ka at masasabi mo sa iyong sarili na, “Dalawang apoy o double fire ang mamayani sa taong 2026.”
Ito ang apoy na fixed element ng Horse o Kabayo at ang apoy na naka-assign na elemento ng year 2026.
Kung saan, ang fire o apoy sa Chinese elemental astrology ay sumisimbolo ng parang Kabayo rin—mabilis na pagkilos at pagtakbo, habang ang apoy naman ay nagpapahiwatig din ng expansion o paglawak.
Kaya sa taong 2026, asahan ang mabilis na paglawak ng business empire o mabilis na pagdoble ng iyong mga kinikita. Mabilis na pagdami at paglago ng iyong mga produkto ang posibleng maganap, at mabilis ding pagdami at pagdoble ng iyong kabuhayan, higit lalo kung ikaw ay isang negosyante o mangangalakal.
Init at malakas na enerhiya rin ang ipinahihiwatig ng elementong fire o apoy, kaya ito ang nakakaluto ng kanin, ulam at iba pang lutuin. Kaya naman kung noong nakaraang taon ay tamad na tamad kang kumilos, sa taong 2026 ay tiyak na gaganahan ka na!
Mag-iinit ka sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, lalo na pagdating sa career, trabaho, pakikisalamuha sa kapwa, pamamasyal o paglalakbay at tiyak na mag-iinit ka sa pakikipagrelasyon at maging sa larangang sekswal.
Higit lalo kung ikaw ay isang Kabayo, Aso o Tigre—ang mga animal sign na compatible sa Kabayo na siguradong susuwertehin sa 2026. Ganu’n din ang Tupa o Kambing, na itinuturing na secret friend ng Kabayo.
Pero hindi ‘yan ang asignatura natin ngayon. Ang topic ng aralin natin ngayon ay ang mga masuwerteng kulay sa taong 2026.
At dahil ayon sa Chinese elemental astrology, ang fire o apoy ang mamayaning elemento sa 2026, at ang fire o apoy ay nagtataglay ng kulay na pula o red—
Kaya walang duda, ang kulay na pula o red ang pangunahing magiging masuwerteng kulay sa buong taong 2026.
Ito ay sumisimbolo ng sex, pag-ibig, kasiglahan, sulak ng dibdib, daloy ng dugo sa ugat, tibok ng puso, at nag-aapoy na romansa.
Ang apoy ay sumisimbolo rin ng likas na suwerte, magagandang kapalaran, at higit sa lahat, ang pula o ang apoy ay kumakatawan din sa kulay ng pulang sobreng angpao na pinamimigay tuwing Kapaskuhan at Bagong Taon—sumisimbolo ng kasaganaan, paglago ng kabuhayan at maraming-maraming pera.
Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2026 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2026. Iisa-isahin din natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat ninyong gawin upang suwertehin kayo sa darating na 2026.








Comments