top of page

Horoscope | Enero 15, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 35 minutes ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 15, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 15, 2026 (Huwebes): Hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Kikilos at kikilos ito upang mapaganda ang iyong buhay, kahit pa magkamali ka ng paulit-ulit.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon sa tukso. Mas makabubuti kung pagtutuunan mo ng pansin ang iyong negosyo at trabaho. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-6-18-20-26-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyo ang araw na ito. Hilingin muna sa langit kung ano ang gusto mo. Makakaasa ka na kahit ito’y tila imposible at mahirap na mangyari ito ay ibibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-24-28-35-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Tagapagpasaya ang papel mo sa mundo. Sa pagtupad mo sa misyong ito, iwasan mong maakit ang taong pinapasaya mo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-19-21-23-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mag-alinlangan, kung ano ang unang plano mo, iyon mismo ang gawin mo. Kapag may naisip kang bago kahit pa maganda, huwag mo munang baguhin ang una mong napagdesisyunan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-12-17-25-34-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na magsisimulang umayos ang iyong kapalaran. Ang mga hindi maganda pangyayaring nagpapahirap sa iyo ay unti-unti nang mawawala at muli nang papabor sa iyo ang tadhana. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-29-31-37-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang mahaba at matagal na pag-aanalisa sa mga bagay-bagay. Kapag hindi ka agad kumilos, maaaring makalagpas sa iyo ang mga magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-18-22-30-38-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang gusto mo, iyon ang mangyayari. Espesyal ang araw na ito para sa iyo, kaya bibigyan ka ng kapalaran ng karapatan gawin anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-17-20-27-32-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mapili. Kung ano ang nasa harapan mo, iyon mismo ang kaloob ng langit. Tandaan mo, ang taong mapili, ang napipili ay bungi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-24-31-35-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipahalata na mas angat ka o mas mataas ka kesa sa iba. Kapag kumilos at nagsalita ka tulad nila, maiiwanan mo sila ng milya-milya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-16-25-34-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ikaw ang pipiliin ng taong may dalang suwerte, habang aayawan naman niya ang taong maporma at tila mapagmalaki. Kaya ikaw ang tunay na mapipili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-22-27-30-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang kumilos, kahit pa sabihin ng iba na tila hindi ka mapakali. Sa bandang huli, magugulat ka at pati sila, dahil sa iyo dadapo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto- 9-12-23-32-39-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iwasan mong makasakit ng damdamin ng iyong kapwa. Mas mainam na huwag ka na lamang kumontra. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-21-27-36-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page