Horoscope | Oktubre 16, 2021 (Sabado)
- BULGAR
- Oct 16, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 16, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2021 (Sabado): Huwag kang matakot kung mapapalayo ka sa pamilya o sa bayang sinilangan. Buksan mo ang iyong isipan, ang paglayo ay makagaganda sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mayaman mong imahinasyon. Magagamit ito sa anumang layunin mo sa buhay, pero ang pinakamaganda ay sa lalo pang pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-21-25-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbababala ang araw na ito na mas malakas sa iyo ang mga mapagsamantala na ang hangarin ay maisahan ka. Humingi ka muna ng payo sa pinagkakatiwalaan mo bago ka magpasya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-20-22-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang paganahin mo at isara mo muna ang iyong damdamin. Maaaring magkamali at magsisi ka sa huli kapag nagpatangay ka sa bugso ng damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-26-30-37-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang orasyon ng iyong kapalaran ngayon. Isang pribilehiyo ito na ipinagkakaloob ng langit para maisaayos ang takbo buhay ng taong katulad mo. Ang orasyon ay patuloy kang manahimik at tuloy-tuloy din ang pagdating ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-27-33-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito mismo ay iyong mararanasan, kung saan isa lang ang kailangan, pero higit pa rito ang iyong ibibigay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-17-22-25-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kalimutan na taglay mo ang kakayahang makipagtuos. Ilabas mo ito ngayon nang sa gayun ay hindi masobrahan ang iyong mga gastusin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-26-30-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming nakakaing uod ang ibon na maagang gumising. Hindi ka dapat mabiktima ng mga mandaraya na nag-aabang sa mahihina. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-25-34-43-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kailangan, ‘yun lang ang iyong ibigay. Ang kaayusan nito, kapag ang pinag-uusapan ay kung ano ang ibinigay ng karamihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-14-17-24-31-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Narinig mo na ba ang isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong? Isang epektibong pormula ito ng tagumpay ngayon na mahigpit na ipinapayo para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-16-21-25-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang nakita mo, ‘yun na ‘yun. Kaya ang maganda ay maganda lang at hindi sobrang maganda. Ganundin sa sasabihin sa iyo, ito ay para makaiwas sa mang-uuto. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-20-25-35-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo na kailangan ang mahaba at maraming salita. Magkunwari kang malungkot at ang mga kagustuhan mo ay tiyak na masusunod. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-15-25-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga suwerteng mahahawakan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-7-11-18-20-37.




Comments