top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 15, 2021 (Biyernes)

BULGAR
Oct 15, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 15, 2021


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 15, 2021 (Biyernes): Kung ano ang maganda, ‘yun ang para sa iyo. Maging sa kapalaran, kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang ibibigay sa iyo ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magsawa sa magagandang biyayang napasasaiyo. Ipunin at sinupin mo ang mga ito. Huwag mong ipamigay nang basta-basta sa mga hindi naman nararapat pagbigyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-25-39-41-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumisilip sa iyo ang napakalaking suwerte. Hinihintay nito na maalis mo ang mga negatibong bagay na labas-pasok sa iyong isip at ‘pag maayos na ang lahat, ito ay dadapo na sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-21-24-33-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka masaya, roon ka. Bakit mo naman pipiliin ang puwedeng magbigay sa iyo ng kalungkutan? Muli, kung saan ka sasaya, roon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-28-30-36-42-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili dahil lang pinipintasan ka ng mga nasa paligid mo. Sila ang hayaan mong mahirapan sa kakapayo sa iyo. Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-23-31-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalago ang mga halaman kapag natatalbusan. Kaya ang nandaya sa iyo ay nagkamali dahil lalo kang bubuwenasin. Silang mga nanlamang sa iyo ang magsisimulang malugi habang ang iyong kabuhayan ay tuloy-tuloy sa paglago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-33-45-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtanong ka kapag may hindi ka alam. Tumatalino ang lahat dahil sa pagtatanong. Muli, magtanong ka at huwag kang mahiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-7-14-15-23-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka manghihinayang sa pagod mo sa paghahanap ng suwerte. Makakaasa ka na ang langit mismo ay gagawa ng paraan para mayakap mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-29-30-35-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo nang kulang ang isang lalagyan dahil ang kasunod ng eksakto ang laman ay pagkalugi. Mas maganda na patuloy kang naghahangad upang patuloy kang magkaroon. Habang naghahangad ang tao, lalong nagkakaroon at sa bandang huli ay yumayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-18-23-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang nasa likod mo. Kaunti at maiingay lang naman ang kontra nang kontra sa iyo. Rito sa mundo, ang sabi ay kung sino ang marami, sila ang masusunod. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-17-20-22.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalo pang gumaganda ang kapalaran mo, kaya lalo ring dumarami ang naiinggit sa iyo. Kaya rito sa ibabaw ng mundo, mas magandang piliin mo ang buhay na kinaiinggitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-21-29-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ka nahihirapang mamili sa mga nasa harapan mong magagandang oportunidad? Lahat ng ito ay maganda kaya kahit ano ang mapili mo, gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-12-25-31-34-48.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang kaloob sa iyo ng langit, tanggapin mo nang maluwag sa loob. Kailangang mangyari ang lahat nang mabigyang-daan ang pagdating ng mas malalaking suwerte na palapit nang palapit sa inyong pintuan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-25-31-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page