top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

Horoscope | Oktubre 12, 2026 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 12, 2026 (Lunes): Patuloy na iaangat ang iyong buhay hanggang sa kusang sumuko ang mga lantad at lihim mong kaaway. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tiwala sa sarili ang magdadala sa iyo sa napakaraming suwerte. Kaya muli, magtiwala ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-20-29-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nasaan ang pagkakasundo, roon ka lumugar. Kung nasaan ang hindi pagkakaunawaan, iyon ang iwasan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-15-23-30-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ang susi upang patuloy kang umunlad at lumago. Kaya sa araw na ito, huwag kang babagal-bagal. Sa sandaling binilisan mo ang lahat ng bagay, mabilis ka ring yayaman. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-17-21-24-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kung kulang ka sa sigasig at pagkilos, bawasan mo ang pag-iisip, pagpaplano at pag-aalinlangan sa iyong sarili. Kapag kumilos ka agad, makikita mo, mas mabilis kang aasenso at magtatagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-20-33-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Biglaan na parang isang kisapmata ang mangyayari sa buhay mo. Sa una, aayaw ka, pero sa huli, matutuklasan mong pinagpala ka pala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-19-23-28-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo, tulad ng ginagawa ng iba. Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-12-14-29-31-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo ang pagpapakumbaba ng isang tao. Kung galit ka, kontrolin mo ang galit mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-28-32-37-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mong dumiskarte ang makukulit. Sa huli, kusa ring mawawala ang pangungulit niya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-20-25-33-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tataas pa ang mga nasa mataas, lalo na kung mangangarap pa sila. Mangarap ka pa nang mangarap, at huwag mong kakalimutan na ito ang susi upang maabot mo ang tugatog ng tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-16-28-34-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghintay ka, at huwag kang mainip dahil ang paghihintay ay para sa mga tulad mong kusang nilalapitan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-22-30-32-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang para sa iyo, siya ay para sa iyo. Sa ganitong paraan, mas gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-21-28-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Sa katunayan, ang mga suwerte ay para sa iyo, habang ang mga kamalasan ay sadyang nakalaan para sa mga palihim na nakikipaglaban sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-15-29-37-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page