top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

Horoscope | Oktubre 11, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 11, 2026 (Linggo): Huwag mong sayangin ang kakaibang talino mo para baguhin ang mundo. Bagkus, gamitin mo ito sa iyong sarili upang yumaman ka nang husto.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwede pang mas gumanda ang maganda na, kaya puwede-puwede pang umangat ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white rose. Tips sa lotto-3-10-17-23-30-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Walang kuwenta ang buhay na walang ipinaglalaban. Lagyan mo ng adbokasiya ang buhay mo at magugulat ka dahil dito pala sa mundo, ang may adbokasiya ay nakakaranas ng kakaibang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-24-28-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Ang nabubuhay nang katamtaman ay hindi nanganganib sa karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-22-32-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kumukuha ng lakas ang lahat ng may buhay sa pamamahinga. Napansin mo bang parang namahinga ang suwerte mo? Ibig sabihin, sa pagbabalik nito, higit itong magiging malakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-20-27-31-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag nagsasama-sama ang maliliit, lumalakas ito. Kaya pagsama-samahin mo ang maliit mong puhunan upang magamit mo ito sa malaking pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-19-28-33-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na nagpasya ang langit. Iisa at malinaw ang pasya: mula sa araw na ito, madodoble na ang mga suwerteng darating sa iyo. Kaya wala kang dapat gawin kundi ang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-17-25-32-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napapalitan ng mga bagong usbong ang nalagas na mga dahon. Huwag mong gaanong damdamin ang mga panahong nasayang mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-15-23-27-30-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa mundo, bawat tsinelas ay may paa na kasukat. Hindi totoong wala kang katapat! Ayon sa kapalaran mo, nalalapit na ang paghaharap ninyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-35-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng magtagal sa isang kalagayang labag sa iyong mga paninindigan. Bago ka magkasakit, lakasan mo ang loob mo at umalis ka na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-24-27-34-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim mong naririnig ang awit ng sarili mong panahon, na nagsasabing dapat nang kalimutan ang nakaraan at paghandaan ang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-5-11-18-25-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamit ang kakaibang pakiramdam, kaya mong sukatin ang kakayahan ng isang taong gustong pumasok sa buhay mo. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa mga taong gustong maisahan ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-26-31-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Wala namang alam ang mga ito kundi kontrahin ang mga gustong umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-20-22-36-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page