Horoscope | Oktubre 12, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 11, 2025

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 12, 2025 (Linggo): Hindi mauubos ang mga oportunidad para sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Anuman ang ikilos mo, aangat pa rin ang buhay mo dahil ang mga kahinaan mo ay hindi naman makakaapekto sa magandang ikot ng gulong ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-20-25-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aayon sa mga plano mo ang mga pangyayari kahit pa ayaw kang tigilan ng mga karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-24-32-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga produktong hindi kilala dahil marami ang napapahamak d’yan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-29-33-35-40.
CANCER (June 21-July 22) - Sumubok ka ng bagong pormula. Ito ang sundin mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-18-21-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang hawak mo, ingatan mo. Ibig sabihin, huwag mo na itong pabayaan na mawala pa sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-24-29-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi makakabuti sa iyo ang manatili sa kalungkutan. Magagandang bagay ang mapapasaiyo kapag sinimulan mong maging positibo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-16-23-25-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalik ang mga araw na hindi mo kailangan ang iba para lang gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-26-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakalito pero nakakatuwa ang mga pangyayari, dahil ang mga magagandang bagay na napapasaiyo ay mula mismo sa mga taong alam mong kumokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-21-28-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaiba ang takbo ng kapalaran mo ngayon. Ang sunud-sunod na panalo ay mapapasaiyo kahit wala kang gawin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-22-27-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang pagdududa sa iyo ng mga taong walang bilib sa ginagawa mo. Pero ang nakakagulat ay ang katotohanang hanggang ngayon ay nagdududa ka pa rin sa sarili mong kakayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-29-33-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nawala ka sa buhay ng isang tao, babagsak siya. Alam mo na ito, kaya mahihirapan ka ring magpasya ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-25-31-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Natatalo ang pumupusta, pero puwede rin siyang manalo. Gayunpaman, dapat mong malaman na ang pagsusumikap ang tunay na susi ng magandang kinabukasan at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-22-31-38-43.
Comments