Horoscope | Oktubre 12, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 12, 2021 (Martes): Hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap dahil ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na anuman ang iyong ambisyunin, ito ay iyong maaabot.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi maintindihang pakiramdam ang dala sa iyo ng hanging malamig sa panahong ito na malapit na ang Kapaskuhan. Huwag kang mabahala dahil ang mensahe para sa iyo ay nagsasabing, hindi ka mahihirapang gawin ang gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-22-27-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Namumunga ang puno sa takdang panahon. Ikaw ay tulad ng punong-kahoy kung saan mamumunga ang iyong mga pagsisikap sa takdang panahon at ang mga araw na ito ay nalalapit na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-20-24-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Tinatalo ng mabilis mag-isip ang malakas. Dito sa mundo, kung sino ang may matalas na isip, siya ang mananalo. Ibinabalita ng iyong kapalaran na tatalas ang iyong isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-22-25-30-34-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Inilapit ng iyong kapalaran sa iyo ang mga taong angat sa buhay, may sinasabi at may katungkulan. Magpasya ka kung papayagan mo siya na maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-9-11-17-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka. Ikaw ang masusunod. Huwag mong kalilimutan na hindi naman mahalaga kung sinunod ka dahil malakas ka. Ang importante ay sinunod ka nang bukal sa loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-24-30-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpakababa ka at iaangat ka ng iyong kapalaran. Magkakatotoo sa iyo ang sinasabing siya na naupo sa hulihan ay tinawag at pinalipat sa unahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-25-36-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namamahinga ang araw sa gabi at muling sumisikat sa umaga. Ibinabalita ng iyong kapalaran ang muli mong pagsikat, letra-por-letra, tulad ng sikat na artista. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-20-25-37-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran kahit nagkakamali ka sa buhay. Tanggap ng langit na ang tao ay nagkakamali. Ang kanyang kapalaran ay mag-aayos ng lahat. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-22-25-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palipat-lipat ang paruparo sa mga bulaklak. Malilipat sa iyo ang mga suwerteng nasa paligid na hindi pinapansin ng iba dahil abala sila sa walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-23-26-33-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong abangan ang pagdating ng Bagong Buwan na senyales ng pagpapalit ng taon. Mas magandang ang bawat araw mo, simula ngayon ay gawin mong bago. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-21-38-39-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinasakyan ng mga ibon na manlalakbay ang mga ulap. Tularan mo sila, sakyan mo lang ang mga problema. Ibig sabihin, gamitin mo upang mas mapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-22-24-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagpapalit din ng damit ang mga ahas. Maging mapagmatyag ka, ang ilang lihim na may inggit at galit sa iyo ay biglang magpapalit ng pagkatao kaya talasan mo ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-14-20-25-38.




Comments