top of page
Jericho Rosales Official - IG.jpg

Horoscope | Oktubre 10, 2026 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 10, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 10, 2026 (Sabado): Isinilang kang masuwerte. Kaya tiyak na pagkakalooban ka ng maraming biyaya. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo. Hindi maganda sa tao ang sobrang pagiging seryoso. Dapat mong malaman na kapag masaya ka, mas magagandang oportunidad ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-10-19-21-25-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kulang ka sa init, kaya magpainit ka sa sikat ng araw sa umaga. Kapag nasobrahan ka sa lamig, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng karamdaman na may kaugnayan sa lamig. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-13-15-20-33-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Bakit ba parang hinahanap mo ang kalungkutan? Sawa ka na bang maging masaya? Kung ‘oo’ ang tugon, makipagsapalaran ka sa mga aktibidad na makapigil-hininga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-18-25-31-38-45.


CANCER (June 21-July 22) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang mga bagong pakikipagsapalaran. Mangyayari ito kung hindi ka magpapatuloy na mamuhay sa nakaraan o sa mga bagay na tapos na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-26-28-32-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, ang espesyal na karapatang hawakan ang iyong kapalaran ay ibinalik na sa iyo. Hindi ka dapat magkamali, at hindi rin dapat na masayang ang pagkakataong ito. Gamitin mo ito sa pagpapaunlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-16-27-31-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talunin mo ang iyong pag-aalinlangan. Kapag nagawa mo ito, reregaluhan ka ng langit ng kamangha-manghang mga kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-17-29-33-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talo ang mainisin, habang papaldo naman ang mga taong marunong magparaya at may mahabang pasensya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-18-22-28-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magugulat ka sa mga sorpresang darating sa buhay mo. Ang paunang palatandaan nito ay ang mga kahilingan mo sa langit na akala mo ay hindi magkakatotoo, ngunit magkakaroon pala ng malaking katuparan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-20-26-35-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang karunungan mula sa mga palaisipan ng iyong buhay, na sa ngayon ay makakahanap ka na ng kasagutan. Gamitin mo ito upang mas mapaunlad pa ang buhay mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-10-12-24-33-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyan mo ng saya ang sarili mo. Hindi tama na puro kalungkutan na lang ang ibinibigay mo sa sarili mo. Ngayon, kailangan mo munang magkaroon ng kalayaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-23-27-30-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malapit lang sa iyo ang suwerte mo. Ibig sabihin, hindi ito malayo at hindi mo na kailangang hanapin. Kung sino ang malapit sa puso mo, siya ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-12-14-28-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal ka para matanggal ang iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-19-25-35-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page