top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Horoscope | Oktubre 11, 2022 (Martes)

BULGAR
Oct 11, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 11, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 11, 2022 (Martes): Malakas ang hatak mo sa mga suwerteng nasa iyong paligid. Marami ang umaangat ang buhay ‘pag nadidikit sa iyo. Gayunman, mas maganda kung unahin mong payamanin ang iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaiba ang dating ng mga suwerte mo dahil sa mismong kinaiinisan mo manggagaling ang ilang magagandang kapalaran mo. Ito ang katotohanan na nakalakip ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-18-20-24-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Baguhin mo ang ayos ng bahay n’yo, ilipat mo ang mga gamit. Ito ang sikreto nang magpasukan sa buhay mo ang nakakamangha at magagandang kapalaran, lalo na sa panahong nalalapit ang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-24-26-35-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Lagyan mo ng kislap ang iyong buhay. Paano? Maghanap ka ng mapapasaya at kung puwede ay ang malapit sa iyo na akala niya ay pinagtampuhan na siya ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-22-27-34-35.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo pinansin ang ilang suwerte na gustong pumasok sa buhay mo dahil abala ka sa walang kuwentang bagay. Huwag kang mag-alala, babalik din ang mga ito sa ibang araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-27-28-30-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nabubuhay ang tao sa kanyang sarili lamang. Ikonsidera mo ang mga bagong kakilala na gustong mapalapit sa iyo. Sa ganitong paraan, ikaw ay liligaya at hindi na mangungulila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-26-27-30-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang sobrang mag-isip dahil kapag sobrang abala ang isip, ang katawan ay hindi makakilos. Gayundin, ang kawalan ng pagkilos ay katumbas ng nagbabantang kahirapan ng buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-24-25-33-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumikit ka sa magaganda at malalakas ang karisma dahil ito ang sikreto upang gumanda rin ang buhay mo. Mahirap paniwalaan, pero ito ang katotohanan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-23-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bago ang kailangan mo, gayunman, kailangan mo rin ang luma at ang kasalukuyan, pero sa mga bago ay may bagong kapalaran na darating at mag-aangat nang husto sa estado ng iyong pamumuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-25-27-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makipag-ugnayan ka sa malalapit sa puso mo na nasa malayo. May naghihintay na magandang balita para sa iyo mula sa kanila. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-15-28-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ikalungkot ang nawala. Hindi mo alam kung paano kumikilos ang kapalaran mo. Ang paunang balita ay sa pagkawala, may kapalit na mas malaki ang biyaya at pakinabang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-22-25-28-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba na ihip pa lang ng hangin ang dumadapo sa pisngi mo ay sumasaya ka na? Ang masuwerteng balita ay sa lugar na malakas ang hangin, naru’n ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-26-29-37-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Unahan mo sa pagkilos ang iyong mga karibal. Ito ang sikreto upang tuluyan na silang umatras at sumuko sa iyo. Gawin mo dahil ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-20-21-24-25-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page