Horoscope | October 9, 2024 (Miyerkules)
- BULGAR

- Oct 9, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 9, 2024

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 9, 2024 (Miyerkules): Yayaman ka kapag nagnegosyo ka. Sa totoo lang, dapat kang yumaman dahil ang isa sa misyon mo ay tulungan ang maraming tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo gawin ang mga hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-19-23-37-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-16-24-31-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin kahit may kumontra pa sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-14-25-34-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Makinig ka sa mga taong nagtagumpay sa negosyo. Mula sa karanasan nila, marami kang matututunan at makakaiwas ka sa hindi magagandang bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-20-29-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa away at anumang hindi pagkakasunduan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-25-27-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalakas ang loob mo ngayon. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon na ito at simulan mo na ang matagal mo nang gustong pasuking negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-24-33-35-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magparaya ka. Mas magandang maging mapagparaya. Sa panahon ngayon, hindi na mahalaga kung tama ka o hindi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-27-31-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang malakas ang loob, sa kanya ka dumikit. Sa ganitong paraan, mas madali mong mapapaunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-22-24-30-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumuo ka ng plano at saka mo ipatupad. ‘Wag kang susugod nang walang plano dahil kabiguan lang ang mapapala mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-28-34-40-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdagan mo pa ang iyong pagsisikap nang sa gayun ay mas malaki at marami ang maipundar mo kung saan sa huli ay hindi ka na gaanong magpupursigi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-19-26-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino lang ang gustong sumama sa iyo, siya lang ang kaibiganin mo. Ito ang susi sa masayang pakikipagkaibigan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-14-26-31-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka lang, at huwag mong pangunahan ang nasa unahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-24-28-35-42.


Comments