top of page

Horoscope | October 8, 2024 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 8, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 8, 2024 (Martes): Kahit mabibigat ang mga pagsubok na iyong kakaharapin, hindi pa rin maaawat ang iyong pagyaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mayayanig at mangangamba ka. Pero sa huli, iisa lang ang mangyayari, matatagpuan ka pa ring hawak-hawak ang bandila ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-30-35-41-43.



TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Kusang lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ay mangyayari dahil ito ang premyo mo mula sa langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-24-28-35-41.



GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka, dahil ang biglaang pagkakamali ay lalagay sa iyong harapan. Sa iyong pagiging marahan, makikita mo ang mga puwedeng makasira ng iyong diskarte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-27-33-39-41.



CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pilitin na tapusin ang iyong mga problema. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-21-25-34.



LEO (July 23-Aug. 22) - Sasakit ang ulo mo kung hindi ka makakaiwas sa mga taong napakahirap unawain. Hindi inuunawa ang ayaw magpaunawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-28-30-36-42.



VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Isang katotohanang iyong masasaksihan ngayon na ang mga sikat at mayayabang ay mawawalan ng ningning. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-23-25-34-40.



LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Totoo ba ang karma? Ngayon, hindi ka na mag-aalinlangan pa kung ito ay totoo o hindi. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-19-24-27-45-46.



SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Minsan,  nakakatuwa rin ang buhay sa mundo. Kung sino ang hindi naghirap, siya ang kumain ng masarap, habang  ang naghirap ay patuloy na naghihirap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-20-24-38-45.



SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magagawa ang pilit na humihila sa iyo pababa. Dahil habang hinihila ka, natutulad ka sa saranggola na lalong tumataas habang hihinila nang hinihila pababa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-25-39-35-44.



CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang kapalaran mo ang iyong hawak, dahil ang kapalaran ng mga nakapaligid sa iyo ay ganundin kaya hindi ka dapat mabigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-26-35-38-46.



AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang lumaban. Tularan mo ang tupa na maamo at walang angal. Tulad ng tupa, higit sa lahat ng mga hayop, ikaw ay mamahalin higit kaninuman ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-17-20-25-26-36.



PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hihilain ka ng iyong mga paa at dadalhin sa harap ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-25-38-41-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page