Horoscope | October 31, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 31, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 31, 2023 (Martes): Gagamitin ka nila para gumanda ang kanilang buhay. Huwag mong kalimutan na kailangan mo ring umasenso.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Tumulong ka sa mga gawaing nagbibigay inspirasyon para sa mga taong may sakit. Hindi masasayang ang iyong lakas, at lalo ka pang sisigla kung gagawin mo ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-16-19-24-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Kahit na hindi mo pa nakikita ang liwanag sa dulo ng iyong paghihirap, kailangan mo pa ring magpatuloy. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-9-18-22-29-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Katawan lang naman ang limitado sa pagkilos. Sa katunayan, walang pader at pintuang nakasara kapag ang ating isipan ay gumagana. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-19-25-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magpapatalo sa mga negatibong pananaw. Ang pag-iisip ng mga pangit na bagay ay hindi maganda. Maging positibo ka nang sa gayun ay mabuhay ka nang masaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-11-25-29-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumibigay ang mga taong mahihina at ang malalakas ay nananatili. Dapat kang mapabilang sa una kaya dapat kang magpalakas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-20-28-35-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Kung nasa bahay ka lang, buksan mo ang inyong bintana at pinto upang makapasok sa inyo ang sariwang hangin. Huwag kang magkulong ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-27-31-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang iyong sarili. Huwag kang maniwala sa iba na ang paminsan-minsang paglabas ng bahay ay puwedeng gawin. Masyado ng mapanganib ngayon kaya dapat kang mag-ingat. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-24-27-33-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag pinagsama-sama ang butil ng bigas, maaari kang makabuo ng isang sakong bigas. Tumulong ka sa mga taong nangangailangan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-17-22-37-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaan na mapabilang ka sa mga walang pakialam sa kapwa. Rito sa mundo, ang lahat ay magkakaugnay at hindi ka puwedeng mamuhay nang mag-isa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-6-9-18-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sarili mo mismo ang iyong kalaban, huwag kang matakot upang makapag-isip ka pa ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-17-22-31-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli, pasayahin mo ang mga taong malalapit sa iyo. Nakamasid ang langit kaya tiyak na makakatanggap ka ng malaking suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-17-22-29-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na may mahiwagang kamay na tutulong sa iyo upang makamit mo ang iyong mga pangarap. Patuloy kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-8-11-20-28-40.




Comments