Horoscope | October 30, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 30, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2023 (Lunes): Mataas na posisyon ang nakaabang para sa iyo. Ibig sabihin, titingalain at igagalang ka nila. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang tahakin mong landas ay ‘yung walang tigil sa pag-unlad. Ito ang mararanasan mo pagkatapos mo manatili sa loob ng iyong tahanan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-27-33-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtiwala ka sa iyong sarili, huwag sa iba. Lahat tayo ay may pangangailangan, uunahin ng iba ang kanila pangangailangan at hindi ka nila mapagtutuunan ng pansin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-9-12-24-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali at huwag ka ring mainip. Lahat ng iyong ideya, magagawa at mapagtatagumpayan mo rin ngayong araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-23-31-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit naman magreklamo ka, hindi ka pa rin naman nila pakikinggan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sumunod ka sa agos ng kapalaran para gumanda ang takbo ng iyong buhay. Kapag ‘di ka sumunod, makakaranas ka ng maraming kamalasan sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-4-13-19-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon mo makikita ang kahalagahan ng pagsasakripisyo dahil ngayon magbubunga ang lahat ng iyong paghihirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-9-23-34-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo silang mga pumipintas sa iyo. Wala lang silang magawa kaya ikaw ang kanilang pinagbubuntungan. Huwag kang mag-alala dahil aanihin din nila ang kanilang karma. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-24-33-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilang mga suwerteng dumarating sa buhay mo. Ano pang hinihintay mo? Simulan mo na ito ngayon! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-27-33-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang mga taong pinagdadamutan ang kanilang kapwa ay pagdadamutan din ng langit. Ituloy mo lang ang pagpapakita ng malasakit sa mga naghihirap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-15-18-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Panatilihin mo ang kasipagan sa iyong katawan dahil pinapanood ka ngayon ng langit. Habang patuloy kang nagsisipag, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong aanihin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-26-34-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala kang magagawa sa biglang pagganda ng iyong kapalaran na hindi mo naman inaasahan. Isa lang ang dapat mong gawin ngayon, ‘wag kang gumastos nang gusmastos. Sa halip, matuto kang mag-ipon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-22-29-34-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo ipatupad ang matagal mo ng mga plano. Sinisigurado ng langit na ngayong araw mo mapagtatagumpayan ang iyong mga pangarap. Kaya wala ka dapat gawin ngayon kundi kumilos! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-16-25-27-35.




Comments