Horoscope | October 29, 2024 (Martes)
- BULGAR

- Oct 29, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 29, 2024

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2024 (Martes): Inuutusan ka ng langit na makipagrelasyon sa mayaman upang umunlad na ang iyong buhay. Magkagayunman, huwag na huwag kang papatol sa mahirap, dahil mamomroblema at maghihirap ka lang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ngayon ng awa, para makaiwas sa mapagsamantala, mas maganda kung lalayuan mo ang mga taong nagkukunwaring kaawa-awa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-15-28-36-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iparamdam mo ang iyong saloobin at ihayag mo ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-21-25-37-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Masuwerte ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing magkunwari kang mahina at walang alam, – sa ganyang kalagayan ka bubuwenasin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-20-23-35-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang sa langit, ipagkakaloob Niya agad ang iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-21-25-27-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pumagitna ka sa mga taong ‘di magkaunawaan. Puwede mong maayos ang gusot na kanilang kinasasangkutan kung wala kang papanigan. Ito ang papel mo rito sa mundo. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-16-22-28-31-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pagkaitan ng oras ang taong gusto kang makakuwentuhan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-21-30-32-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na dapat maulit ang nakaraan, kung saan hindi ka nagpokus sa iyong pag-aaral. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-23-29-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung hindi ka kikilos para sa sarili mo, wala kang mararating. Ito ang isabuhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-16-26-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan ng mga mata mo ang pagbagsak ng mga bituin sa kalangitan. Ibig sabihin, ang mga mapagmataas ay agad na ibabagsak. Ngunit bago sila tuluyang bumagsak, kumuha ka muna ng aral sa kanila na iyo ring mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-19-20-24-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na may ipapagawa sa iyo ang langit. Kapag nakahawak ka ng pera, agad mo itong ipunin. Kapag hindi ka nag-ipon, lalo ka lang maghihirap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-22-27-30-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aayusin ng kapalaran mo ang mga bagay na hindi mo kayang ayusin. Magtiwala ka lang, at huwag kang umangal kapag may nararanasan ka na hindi mo gaanong gusto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-20-29-31-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aksyon ang paganahin mo at hindi ang plano. Naiplano mo na ‘yan dati pa, kaya wala ng ibang dahilan upang ‘di ka kumilos. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-23-25- 34-39-40.





Comments