ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 28, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2023 (Sabado); Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang mga suwerte ay nakaabang sa landas ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahaharap ka sa mabibigat at maraming gawain. Magkagayunman, kalakip ng mga ito ang malalaking suwerteng guguhit sa kasaysayan ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-23-30-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahan-dahan kang mag-ipon. Hindi magandang mag-ipon agad ng malaking halaga, dahil hindi mo makikita ang kahalagahan na ang dagat ay binubuo pala ng paisa-isang patak ng tubig. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-21-28-37-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Makipagsapalaran ka dahil sa pakikipagsapalaran ka mabubuhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-28-32-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Nakaalalay sa iyo ang langit kaya wala ka dapat ipag-alala. Ang mga kaaway mo ang dapat na mangamba dahil matutuliro at malilito sila sa ganda ng takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-16-26-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sino ang biglaang sinuwerte pero kapos naman sa pagkilos? Walang iba kundi, ikaw! Minamaliit mo ang iyong sarili pero sa katunayan, mas angat ka kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-21-24-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang panahon para magsimula muli. Ibig sabihin, kung nagkamali ka noon, puwes ngayon maaari kang magkaroon ng magandang kapalaran sa hinaharap. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-16-19-24-29-36-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang papayag na mapunta sa iba ang mga bagay na nasa sa iyo na. Magkagayunman, higpitan mo ang pagbabantay dahil ngayong araw nila tatangkaing agawin ang mga bagay na para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-18-21-23-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipahiram mo ang tapang at lakas ng iyong loob sa mga taong mahihina ang loob. Paano mo ito gagawin? Ituro mo sa kanila ang ginagawa mo na kahit walang katiyakan ay sumusugod ka! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-18-27-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mo maging masigla dahil may mga suwerteng nag-aabang sa iyo, at kapag nakita kang masigla. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-15-20-27-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang suwerteng para sa mga taong wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-13-15-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo, kapag dumikit ka sa kuripot at masinop na tao, bigla na lamang magbabago ang iyong pananaw at magsisimula na ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-26-41-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humahabol sa iyo ang ilang mga suwerteng mula sa malalayong lugar. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-14-26-36-45.
Comments