top of page

Horoscope | October 26, 2024 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 26, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 26, 2024 (Sabado): Malaking tagumpay ang nakalaan para sa iyo, subalit malalaking pagsubok din ang iyong mararanasan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo gamitin ang iyong pampabuwenas.  Linisin at suotin mo ito. Ang lucky charm mo ngayon ay isang uri ng bakal o metal. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-16-20-28-34-37.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo mapapakinabangan ang bagay na ibinigay sa iyo. Ito ang pinakamabisa mong panghatak ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-26-30-35-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Makakatanggap ka ng pagkilala at karangalan, halikan mo ang bagay na ipinagkaloob sa iyo dahil sa ipinapakita mong galing at husay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-19-29-32-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ilabas at i-display mo sa lugar na palagi mong nakikita ang simbolo ng pagmamahal sa iyo ng isang taong ayaw kang bitawan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-27-31-38-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang makakatanggap ng regalo mula sa langit. Ang regalong ito ang hihila sa mga suwerteng nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-16-22-34-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang aklat ang ilabas mo ngayon. Buksan mo ito para ituro sa iyo ang lumang pormula ng tagumpay na iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-23-33-40-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nabibili ang iyong pampasuwerte. Ang  pinaka-lucky charm mo ngayon ay ‘yung taong kilala mong lihim na may pagtingin  sa iyo, na ang pangalan ay nagsisimula sa letter na J at R. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-28-34-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang panghila mo ng suwerte ngayon. Ito ay ang mga ngiti sa iyong mga labi. Kaya anuman ang iyong sitwasyon, kahit kapos ka sa salapi,  ngumiti ka pa rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumingin ka sa langit, pilitin mong tingnan ang liwanag sa likod ng mga ulap. Higit kailanman, ito ang iyong panghatak sa pinapangarap mong magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-12-16-28-33-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi tao, hayop, halaman at bagay ang iyong pampasuwerte. Ang dapat mong gawin ay magbalik-tanaw sa mga pagsubok na tinalo mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-14-20-25-39-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, pero bilang isang katuwaan at seryosong bagay, pasayahin at galitin mo ang iyong mga kaaway. Kapag nagawa mo iyan, tiyak na susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-23-38-40-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Linisin at alisin mo ang mga alikabok sa dekorasyon n’yo na mula sa dagat. Ito ang pampasuwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-24-37-41-45.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page