Horoscope | October 24, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 24, 2023 (Martes): Nabubuhay ka dahil sa pag-ibig. Hindi ka dapat matakot magmahal. Muli, sa pag-ibig ka mabubuhay, kaya huwag mong hadlangan ang iyong sarili na mainlab.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Ang kasiyahan ang nagbibigay sa iyo ng sigla. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-6-9-17-21-29.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Para sa iyo ang araw na ito, magpaganda ka upang gumanda rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-22-26-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Naiipon ang iyong lungkot. Mukha kang masaya pero ang lahat ng ito ay puro pagkukunwari lamang. Huwag kang mag-alala dahil malapit na ang araw ng iyong kalayaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-22-34-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pangaraping magkaroon ng kaugnayan sa mga taong hindi ka naman naaalala sa panahon ng iyong pag-iisa at pangungulila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-19-25-28-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tatagan mo ang iyong loob kahit na may mga pagsubok at suliraning dumarating sa iyong buhay. Magpakatatag ka para magwagi ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-26-29-36-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Hindi ka dapat nag-aalala kung wala kang trabaho, dahil ikaw ay lubos na pinagpala, kaya anuman ang gawin mo ngayon patuloy ka pa ring susuwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-22-27-32-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nauubos ang mga oportunidad sa mga taong gustong umunlad. Tulad mo, maraming oportunidad ang lalagay sa iyong harapan, at makakapili ka ng bagay at swak para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-18-24-33-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala ka dapat patunayan sa kanila. Hindi mo rin kailangang magpaliwanag sa kanila lalo na sa mga taong humuhusga sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-22-33-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang iyong sarili. Magpalakas ka, dahil bago sumapit ang Pasko mas marami pang mga suwerte at magandang bagay ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-17-23-31-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malapit nang dumating ang araw kung kailan mayayakap muna ang maliliit at malalaking suwerte na noon pa nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-14-24-27-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Patuloy mo pa ring magagawa ang mga bagay na gusto mo, maghintay ka lang ng tamang pagkakataon. Ito ay parating na sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-23-28-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag ka na magdalawang-isip pa na magpahiram
sa mga taong nangangailangan. Mas magandang tumulong ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-18-26-29-34.




Comments