Horoscope | October 23, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 23, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2023 (Lunes): Magaling ka sa negosyo, kaya magnegosyo ka na! Huwag mo nang subukan ang ibang larangan na hindi mo naman alam.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit mahirap magnegosyo, huwag kang aatras dahil ito ang magpapayaman sa iyo, at dito ka kikita ng malaking halaga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-18-27-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapansin-pansin ang pagiging palakuwento mo. Isang palatandaan ito na malapit nang dumating sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-8-18-27-36-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling magbabalik ang araw kung saan ikaw ay mapalad. Huwag mong aksayahin ang mga biyaya at pagpapala. Sa halip, pahalagahan at sinupin mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-23-35-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Tumaya ka ngayon sa negosyo. Ang buhay ay pakikipagsapalaran kung saan ang mananalo ay ang gumagamit ng tiyempo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-27-29-34-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gumamit ka ng nakakaaliw na salita bago mo sabihin ang iyong kagustuhan. Ito ang susi upang ikaw ay magtagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-9-14-19-21-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi papayag ang langit na talunin ka ng mga taong wala sa katuwirang naiinggit sa iyo. Dahil dito, mas lalo ka pang pagpapalain. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-18-22-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Mas lalakas ang iyong karisma, gamitin mo ito sa pagnenegosyo upang mas kumita ka ng malaking halaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-9-15-24-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka ng paraan kung saan maginhawa mong magagawa ang lahat ng iyong gusto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-25-34-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Mabilis na pagkilos ang susi upang magtagumpay. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-19-22-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kapag hinarap mo ang bukas na may masayang isipan, maraming suwerte ang darating para sa iyo. Ang payo sa iyo ngayon ay huwag kang papatalo sa lungkot. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-22-34-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sosobra ang tiwala mo sa iyong sarili. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda pero sa malalimang pag-aanalisa, mas marami kang mapakikinabangan dito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-18-22-34-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay, ang sariwang hangin ang magsisilbi mong hudyat sa mga suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-7-16-22-29-38.




Comments