Horoscope | October 21, 2024 (Lunes)
- BULGAR
- Oct 21, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 21, 2024

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 21, 2024 (Lunes): Hindi ka mawawalan ng alalay at utusan. Ito ay isang malinaw na senyales na sa takdang panahon, ikaw ang mamumuno at mamamahala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka, para sundin ka. Magkagayunman, mag-utos ka na may kasamang paggalang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-24-31-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isantabi mo muna ang maliliit mong pangarap. Dahil ngayon ang tamang panahon para makuha mo ang malalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-28-30-41-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na aangat ka pa. Kaya huwag kang makuntento, gawin mo pa rin ang best mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon na ang masuwerteng araw para humingi ka ng malaking pabor sa isang malapit sa iyo na may mataas na ranggo o posisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-22-28-31-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon, at ang mga kagustuhan mo ay mangyayari na. Marami pa ang maiinggit sa iyo, pero hanggang inggit lang naman silang lahat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-20-24-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli mong mararanasan na ang suwerte ay nauulit lang pala talaga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-19-21-25-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit na lumayo ka, may didikit at didikit sa iyo. Sa huli, makikitang sobrang malapit kayo sa isa’t isa, mawawala ang mga kontrabida at ikaw din ang makikinabang at magiging maligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-26-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon na ibababa ng langit ang hatol laban sa mga mapanghusga na tao. Makakaani sila ng kaparusahan ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-17-24-26-33-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Hilingin mo sa langit kung ano ang pinakagusto mo sa buhay. Kahit pa napakaimposible nito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-31-35-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Wala namang bago sa silong ng langit. Ang nangyari ay muli na namang mauulit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-21-24-34-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo nang tanggapin ang mga ibibigay sa iyo ng bago mong kakilala. Huwag mong kalimutan na masama ang tumanggi sa grasya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-29-36-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bababa ang mga ulap na aakalain mong uulan. Pero sa pagbaba ng mga ulap, ikaw ay makikitang sobrang saya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-29-33-39-44.
Comments