Horoscope | October 21, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 21, 2023 (Sabado): Hindi puwedeng hindi ka umasenso. Dahil ginagarantiyahan ang araw na ito upang ika’y umasenso at yumaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papasulong ang buhay kaya hindi ka dapat huminto sa pagsisikap. Ang pagkaantala ng mga suwerte ay normal lang sa buhay ng isang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-18-27-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isang hiwaga ang magaganap sa langit at lupa. Magbababaan ang mga anghel at bibigyan ka nito ng proteksyon na may dalang mga regalo upang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-15-24-33-42-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na inilaan para sa iyo. Kaya ang langit na mismo ang nagsasabing anumang bagay ang hilingin mo ngayon, ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Ano pang hinihintay mo? Hiling na! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-32-39-44
CANCER (June 21-July 22) - Nakatutok sa iyo ang kanilang mga mata, dahil inaasahan nilang hindi ka mabibigo, at nakahanda na rin ang kanilang malakas at masayang palakpak para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-22-25-28-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Taas-baba ang mga alon sa dagat, at taas-baba rin ang iyong kapalaran ngunit nakakatiyak ako na ikaw ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-19-22-26-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sundan mo ang mga langgam upang makakita ka ng matamis na bagay. Kapag sinundan mo ang mga yapak ng mga taong nagtagumpay na, magtatagumpay ka rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-23-28-32-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Gumawa, kumilos at magsuot ka ng maganda upang gumanda rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-24-27-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Marami ang umaasa sa iyo kaya hindi ka pupuwedeng bumagsak. Mamahinga ka upang manariwa ang iyong lakas at isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-18-21-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Ang ibang mga araw na darating ay para pa rin sa iyo. Ngayon ang masuwerteng panahon para hilingin sa langit ang iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-15-18-24-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sarilinin ang mga saloobin mo. Ihayag mo sa mga pinagkakatiwalaan mo ang iyong saloobin. Sa ganitong paraan, luluwag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-17-26-29-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipakita mo na marami kang alam. Kumilos ka na may tiwala sa sarili, dahil sa ganitong paraan mo makukuha ang iyong ninanais. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-13-22-31-40-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang aasenso kapag ginaya mo ang mga taong successful. Ito ang susi ng tagumpay na dapat mong gayahin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-20-29-32-43.




Comments