top of page

Horoscope | October 20, 2024 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 20, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2024 (Linggo): Patuloy kang pagpapalain ng langit, dahil sa kabutihang loob mo sa iyong kapwa.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang tatalunin ng iyong damdamin. Hindi dahil sa ikaw ay mahina. Kundi, dahil ngayon ay kailangan mong tumulong sa mga kapos sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-24-30-34-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang umiwas sa mga palahingi. Kahit pa marami sa kanila ay hindi ka pinasasalamatan. Isang banal na gawain ang magkaloob ng tulong sa nangangailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-22-25-35-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huminto ka muna pansamantala sa kung paano mo makakamit ang pangarap mo. Ang asikasuhin mo ay ngayon ang kapakanan ng mga malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-28-31-37-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Anuman ang gawin mo, ito ay magbubunga ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-18-20-35-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Paulit-ulit ka na parang hindi ka nadadala. Muli kang maaawa sa hindi mo naman dapat kaawaan. Kahit alam mong mali, pagbibigyan mo pa rin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-27-30-38-40-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nadaya ka, huwag malungkot at magalit. Sa halip, lihim kang matuwa. Dahil ang kondisyon, bago sumaiyo ang malaking suwerte, kinakailangan munang maisahan ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-26-31-36-38.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higpitan mo ang hawak mo sa sarili mo dahil mahina ka ngayon. Ibig sabihin, puwedeng mapa-oo ka sa hindi mo naman talaga gustong gawin. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-14-18-22-28-34-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag-suwerte ang mapapasaiyo. Ibig sabihin, hindi lang isang beses kang bubuwenasin. Kaya naman ihanda mo na ang iyong sarili sa magagandang kapalaran na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-19-29-39-41-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga mandaraya, lalo na sa larangan ng pag-ibig. Marami ang nag-aabang na ikaw ay maisahan. Mas magandang asikasuhin mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-8-11-15-27-33-38.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madalas na ikaw ang nagpapakita ng kabaitan. Pero sa ngayon, ang langit ang magpapakita sa iyo ng kabaitan. Ito ay bilang premyo mo sa mga kabutihang ginawa mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-25-27-34-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ka nakakatayo mula sa kabiguan. Walang sinuman ang puwedeng umalipin sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-23-30-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran. Ang tagumpay at kabiguan ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-25-36-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page