top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | October 2, 2021 (Sabado)

BULGAR
Oct 2, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 2, 2021


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 2, 2021 (Sabado): Bukod sa pagiging mabait, malambot ang puso mo kaya madali kang maloko. Gayunman, hanga sa iyo ang langit kaya ang mga biyaya ay palaging mapasasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pakinggan mo ang iyong damdamin ngayon. Hindi maganda sa tao na ang palagi niyang sinusunod at pinakikinggan ang kanyang isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-29-34-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malakas ang iyong pandama ngayon. Madarama mo agad ang tunay na motibo ng iyong makakaharap kaya malabong matangay ka sa kasinungalingan at pagkukunwari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-19-22-25-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Kung sino ang may maamong personalidad, siya ang iyong piliin. Wala sa masayang pagkatao ang tunay at wagas na kaligayahan. Ito ngayon ang iyong gawing panuntunan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-21-25-27-34-37.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Magsabi ka ng kahilingan mo sa langit. Makakaasa ka na kahit mahirap na mangyari ito, gagawa ng paraan ang nasa itaas upang ito ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-21-25-28-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkukubli sa masayang kuwento ang hindi magandang plano ng isang tao para sa iyo. Higit kailanman, ngayon mo na kailangan ang ibayong pag-iingat. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-16-29-30-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang ang kapalaran mo ngayon. Sa totoo nga, sobrang nakagugulat dahil sinasabing letra-por-letra na ang huling halakhak ay para sa iyo at hindi sa mga kalaban mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-21-27-35-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumadapo ang suwerte sa mga nagbibihis ng maganda. Mahirap itong paniwalaan pero kapag nagsuot ka nang lantad ang iyong kagandahan at ilang bahagi ng katawan, ikaw ay tiyak na susuwertehin sa maraming bagay, lalo na ngayong palapit ang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-24-26-34-39-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sino ang may sabi na kahit sino at kahit ano ka man, ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo? Ang nagpasya nito at hindi ito mababali ay ang mismong langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-25-26-30-35-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tatalunin ka ng iyong damdamin, kaya ang nasabi mo na ay iyong babaguhin. Ngunit ang masuwerteng balita ay nagsasabing bubuwenasin ka dahil sa pagpapalit mo ng pasya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-22-38-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kinagugulatan ang matigas ang damdamin, pero ang minamahal ay ang malambot ang puso at kalooban. Piliin mo ang huli dahil narito ang sikreto ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-23-33-38-40-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saan ba mahahanap ang katiwasayan ng puso at isipan? Ito ang noon pa itinatanong ng iyong malalim na kalooban. Saan pa nga ba kundi sa may matatag at maayos na kinabukasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-25-31-42-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang iyong pagkakataon na ang hindi magaganda sa iyo ay magagawa mong alisin. Huwag mong sayangin ang mga araw na ito, simulan mo na ang paglilinis at pagbabago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-16-23-34-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page