Horoscope | October 19, 2024 (Sabado)
- BULGAR

- Oct 19, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 19, 2024

Sa may kaarawan ngayog Oktubre 19, 2024 (Sabado): Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka mas masuwerte kesa sa iba? Dahil kakambal mo lang naman ang suwerte na siyang namamalagi sa iyong tabi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng nasa itaas. Gawin mo na ngayon ang lahat ng gusto mo, dahil ang lahat ng ito ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-23-28-39-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang payo ng mga malalapit sa puso mo, dahil mula sa kanilang payo, gaganda ang iyong buhay. Muli, pakinggan at sundin mo sila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-34-38-41-46.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka ng mga pabigat sa buhay mo. Hindi ka makakausad kung may mabigat kang pansan-pansan. Sa ganitong paraan, luluwag ang kapalaran mo at mabilis kang aasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-28-30-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Para mapanatili ang tuluy-tuloy na progreso ng iyong pangarap, dapat mo itong tutukan. Ituloy mo lang ang pagsasakripisyo para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-12-29-31-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli na namang darating ang araw na magsisilapitan ang mga suwerte sa iyong harap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-20-26-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga taong negatibo, dahil wala ka namang mapapala sa kanila. Ang dapat mong dikitan ay ‘yung mga taong may magagandang pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-29-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang masaya, sa kanya magmumula ang iyong saya at ligaya. Sa kanya ka sumama para mawala ang iyong lungkot at pagdurusa sa ngalan ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-27-32-36-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ikaw ay ibabalik sa tunay mong kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-18-28-30-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang iyong nakaraan at hanapin mo ang mga araw na ikaw ay nakaranas ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-26-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa iyong harapan na ang suwerte. Ibig sabihin, huwag kang manatili sa nakaraan at sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-22-25-28-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nawawala ang suwerte kapag hindi ito hindi pinapansin. Sunggaban mo ang magagandang oportunidad na nakikita mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-25-34-41-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Saan nga ba makikita ang suwerte mo? Saan pa nga ba? Kundi sa malapit! Ibig sabihin, ang mga araw na ito ay para sa iyo. Ito na rin ang pagkakataon mo upang umunlad at umasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-14-19-23-27.


Comments