top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 19, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 19, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 19, 2023 (Huwebes): Panay ang dating sa iyo ng mga suwerte kahit na hindi mo naman ito kailangan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang magtutulak sa iyo sa mas marami pang tagumpay, kaya lumayo ka sa mga taong malungkutin at paladaing. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-23-27-33-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mawawala ang lungkot at dadalawin ka ng suwerte. Ito ang mga suwerte na noon pa nagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-21-28-30-36.

GEMINI (May 21-June 20) Huwag kang magmadali, dahil baka mawala sa paningin mo ang ilang mahahalagang oportunidad na kailangan mo para matupad mo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-27-29-38-42.

CANCER (June 21-July 22) - Magkunwari kang masaya para suwertehin ka. Kapag palagi kang nagsasaya, ang mga suwerte ay mananahan sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-11-29-34-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magpakita ka ng tapang upang lumayas sa harap mo ang mga taong wala namang pakinabang at pabigat lang sa buhay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-4-17-28-33-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumali ka sa mga nagkukuwentuhan, kahit na alam mong wala naman silang pinag-uusapang mahalagang bagay, dahil sa kuwentuhan ding ito may suwerte at magandang kapalaran kang mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-25-32-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Aakalain mong lungkot lang ang hatid niya sa iyo, ngunit siya pala itong magpapasaya sa iyo nang sobra. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-24-33-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung kaya mong tumulong, tumulong ka. Kung hindi mo kaya, huwag mong pahirapan ang iyong sarili na gumawa ng paraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-19-21-24-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano’ng natatanaw mong tagumpay, ‘yun mismo ang makukuha mo. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-9-19-21-26-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag mabigat ang iyong katawan, magpahinga ka. Mas magandang mag-ingat kaysa na magkunwaring malakas at umastang walang nararamdaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-22-26-35-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ipilit ang iyong gusto lalo na sa mga taong ayaw kang pagbigyan. Darating din ang pagkakataon na kahit ano’ng pilit niya sa iyo, hindi mo rin siya pagbibigyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-28-33-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtapon at magkakaroon ka. Ang mapasasaiyo ay mas malaki kaysa sa nawala sa iyo. Rito sa mundo, ang buhay ay isang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-25-27-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page