Horoscope | October 18, 2024 (Biyernes)
- BULGAR

- Oct 18, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 18, 2024

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2024 (Biyernes): Tiyak ang pagyaman mo, lalo na kung ito ay gugustuhin mo. Kaya ang payo sa iyo ay unahin mo ang pagpapayaman kesa sa ibang larangan ng buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang pagpapalago ng iyong kabuhayan, dahil tiyak na hindi ka rito mabibigo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-24-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat sumuko kapag nalulugi ka. Ang tagumpay ay hinuhusgahan sa huli, hindi sa unahan o sa kalagitnaan ng pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-23-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Lakas lang ng loob ang kailangan mong puhunan. Ito ang daan sa pagyaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-22-25-34-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang kumibo. Manahimik ka na lamang upang ikaw ang masunod. Huwag kang tumulad sa marami na nag-aakalang sa pangungulit ay nakukuha ang anumang gustuhin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-19-21-26-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon, pero aalalayan ka pa rin ng langit. Sa ganitong paraan, ang mga lihim at lantad mong kaaway ay tuluyan nang magagapi at mapapahiya sa kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-20-33-38-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-tapang ang iyong kailangan. Ibig sabihin, kulang ang iyong lakas at tapang upang matiyak na mapapasaiyo ang mga minimithi mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue Tips sa lotto-3-7-15-25-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiyak ka kung kinakailangan, pero huwag kang susuko. Ang kabiguan ay bahagi lamang ng tagumpay na nararanasan sa pakikipaglaban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-20-30-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Multo at buto ang mga negatibong pananaw na sumasaiyo. Kapag kumilos ka at nag-isip ng positibo, ang mga multong ito ay mawawala tulad ng mga bula. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-15-17-27-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo muna ang kakayahan ng isang nilalang na gustong pumasok sa iyong buhay. Kung alam mong mapapakinabangan mo siya, tanggapin mo ito ng bukas-palad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-18-22-24-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo ang iyong damdamin. Higpitan mo ang paghawak dahil may babala na ang iyong emosyon ay biglang lalakas na maaaring makasakit ng damdamin ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotoo-16-19-21-28-31-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Luwagan mo ang pang-unawa sa mga taong mahirap pakibagayan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-12-17-29-33-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipaglaban mo ang sa iyo, kahit na ipinaglalaban ng iba ang hindi naman talaga para sa kanila. Kumbaga, mas dapat kang lumaban dahil ikaw ang may karapatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-27-30-40-43.



Comments