Horoscope | October 18, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 18, 2023 (Miyerkules): Malalaking tagumpay ang nakalaan para sa iyo. Iwasan mong mangarap ng maliliit na bagay dahil muli, malalaking tagumpay ang para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mong yumaman nang mabilis, kumilos ka para rito. Kung wala ka namang gusto sa buhay mo, puwede rin naman ang ganu’n. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-9-19-21-24-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Pagkakaroon ng tapang ang gustong makita ng langit sa iyo at pagkatapos nu’n ay huhulugan ka niya ng malaking suwerte. Muli, tapang lang ang kailangan mo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-17-22-33-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Awatin mo ang iyong sarili kapag napapansin mong sobra ka na kung makasugod. Hinay-hinay lang, ang tagumpay ay nakukuha sa pamamagitan ng marahang pagkilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-26-28-31-40.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mabibigla kung ang mga kaganapan ay hindi mo inaasahan. Kailangan mangyari ang mga ito upang mabigyan ka ng daan para sa malaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-17-25-34-44.
LEO (July 23-Aug. 22) – Kambal na suwerte ang nakalaan sa iyo. Pero, kaunting sipag lang ang inaasahan sa iyo ng langit. Ito ang mensahe ng iyong pagsilang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-22-28-33-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang matakot at mag-alala kung sa tingin mo ay ‘di mo kayang maabot ang iyong naglalakihang pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14-19-28-31-43
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Panoorin mo lang at huwag kang makigulo sa mga hindi nagkakaunawaan. Makikita mo na kusa silang magkakaayos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-27-33-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong ibasura ang pangarap na hindi mo nakuha ngayon. Mapasasaiyo rin ito sa tamang panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-28-34-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag na lakas ang iyong madarama, pero huwag mong abusuhin ang iyong sarili. Ang lakas ay hindi laging ginagamit dahil minsan, ito ay inirereserba para sa ibang araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-21-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magagalit ka, pero baka hindi na ito malaman ng iyong kinagagalitan dahil bigla rin namang huhupa ang iyong galit. Mas maganda na hindi ka magalit sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-29-35-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag inatake ka ng katamaran, kumilos ka at mas magandang sumayaw ka kahit pa na hindi ka gaanong marunong. Gawin mo ito at magugulat ka dahil bigla ka na lamang susuwertehin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-4-13-19-22-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka ng lakas sa mga taong malalapit sa iyo na nakikita mong sinusuwerte. Bukod sa sigla, may nakakagulat na mangyayari dahil ang ilang suwerte nila sa katawan ay malilipat sa iyo. Tips sa lotto-16-23-26-36-40-45.




Comments