top of page
Gary V. - IG.jpg

Horoscope | October 17, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 17, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 17, 2023 (Martes): Marami kang pagdaraanang pagsubok bago mo makamit ang iyong tagumpay. Magkagayunman ang tagumpay na darating sa iyo ay higit sa inaasahan mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang aayaw dahil hindi sa araw na ito ang paghinto. Ituloy mo lang ang iyong pinapangarap dahil ang malalaking pagsubok ay iyo pa rin namang makakayanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-17-26-39-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Lalabas ang iyong tibay at katatagan. Mapapahiya ang mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan. Ito ay tiyak—ang pananalo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-28-33-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Walang tao na hindi nagpapahinga, kaya magpahinga ka rin. Sa pagpapahinga, manunumbalik ang lakas at ang lakas na ito ay mas lamang kaysa sa dati mong lakas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-14-23-33-39-40.

CANCER (June 21-July 22) - Nakakaiyak ang mga pangyayari ngayon, kaya umiyak ka. May mga araw na para sa pagsasaya, at magsaya ka sa mga araw na iyon. Huwag mong labanan ang batas ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mga taong mahihina, at bigyan mo ang mga kapus-palad. Ito ang mga bagay na dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-4-13-19-28-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino’ng interesado, siya ang piliin mo. Huwag kang mag-aksaya ng panahon sa mga hindi naman purisigidong matuto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-23-31-40-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot at huwag ka ring magpapatanggay sa saya. Ang pinakamabuti mong gawin ay hawakan mo ang iyong sarili sa bawat sitwasyon na iyong kinakaharap. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-18-20-25-30-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hamunin mo ang iyong sarili! Ito ang sikreto kung paano mo makukuha ang pinakamalakas na kakayahan at ito rin ang susi para hindi ka matalo ninuman. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-16-20-27-32-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang hangganan ang pag-asenso kaya habang nangangarap ang tao, patuloy na tumataas ang estado ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-21-33-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano’ng kaya mo, ‘yun ang gawin mo. Ang mga bagay na hindi mo kaya ay mapagtatagumpayan mo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sigla at sigasig. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-13-22-31-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Tumatawa pero malungkot. Minsan, ang buhay sa mundo ay sadyang ganito. Bilang pagtatapat sa iyo, may lungkot sa mga mata at kilos mo, pero normal lang ito sa mga tao. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-17-26-35-40-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong labanan nang harapan ang mas malakas kaysa sa iyo. Magkunwari kang mahina dahil sa ganitong paraan, siya ay tiyak na matatalo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-16-22-25-31-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page