ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 16, 2024
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2024 (Miyerkules): Dadalhin ka ng iyong kapalaran kung saan ay makakaharap mo nang harapan ang iyong mga suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumating na ngayon ang masuwerte mong araw para sa pagbuo ng iyong plano na may kaugnayan kung paano mo mapapalago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labanan mo ang iyong mga kahinaan, nang sa gayun ay manalo ka, at para mas madagdagan pa ang iyong magandang katangian. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-21-28-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magiging abala ang isip mo sa mga lugar na umaakit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-24-34-43-45-46.
CANCER (June 21-July 22) - Maglalapitan sa iyo ang mga taong maaari mong maging kaibigan. Huwag kang mangamba o mag-alala, dahil sila ay pinadala ng langit para iyong mapakinabangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-27-33-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipagdamot ang mga magagandang aral na nakukuha mo sa buhay. Sa ganitong paraan, mas lalo kang pagpapalain at hahaba pa ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-11-18-26-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong palakihin ang problema, bagkus mas palawakin mo ang iyong pang-unawa. Buksan mo ang iyong isip at puso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-23-39-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magandang papakitungo sa mga suki ang isa sa pinakamabisang pormula sa negosyo. Ito ang isabuhay mo nang sa gayun ay maiwanan mo ang iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-17-21-26-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakagulat man, pero ang mga taong madalas mong maalala ay naaalala ka rin. Malaki ang maitutulong niya sa iyo para mas gumanda ang pananaw mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-13-24-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paglilinis ng bahay ang isa sa pangunahing aktibidad sa panahong ito. Maglinis ka ng bahay upang mas maging positibo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-18-21-23-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maiiwasang makipagdebate. Sa pakikipagpalitan ng ideya, kunin mo ang mga maganda mong naririnig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-20-25-26-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka nabubuhay kapag wala ang makabagong personal mong mga gamit. Turuan mo ang sarili mo na mabuhay ng mag-isa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15- 22-28-31-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng hindi makasama sa pamamasyal. Sa katunayan, dapat ikaw ang manguna sa pagpaplano. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-24-27-39-45.
Comments