Horoscope | October 16, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2023 (Lunes): Nasa malayong lugar ang iyong suwerte. Kaya lakasan mo ang iyong loob na mangibang-bansa upang gumanda ang iyong buhay at maabot mo ang iyong ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong baguhin ang iyong kasalukuyang pinagkakaabalahan. ‘Wag mong kaligtaan na ang pagbabago ng diskarte ay isa ring tukso na magdadala sa iyo sa kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-23-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang mga araw na ito upang kumita ka. Tandaan mo, kung ano’ng gusto ng suki mo, ‘yun ang iyong pakinggan at sundin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-24-31-32-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Habang nagmamadali kang yumaman, bantayan mo ang mga taong nasa paligid mo dahil ang mga taong naiinggit sa iyo ay magpupumilit na pabagsakin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Lalakas ang dating sa iyo ng mga suwerte. Dapat kang maging matatag at matibay, para ang mga suwerte ay hindi masayang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-20-27-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong tanggihan ang mga tulong na nasa iyong harapan. Mas mapapadali ang iyong proyekto kapag hindi ka nag-iisa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-16-26-31-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang iyong utak. Ang pangarap ay makakamit depende kung paano mo gagamitin ang iyong isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-24-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magmasid ka, hindi para hanapin ang iyong mga kaaway, kundi para makita mo ang taong handang tumulong sa iyo. Masuwerteng kulay-blue Tips sa lotto-11-18-28-31-37-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umiwas ka sa tukso at bisyo. Mas magandang magsumikap ka. Ang sobrang paglilibang ay hindi makakabuti. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-15-28-30-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mauubusan ng magandang ideya. Huminto ka muna sa kasipagan mo at mag-isip ka ng bagong pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-21-24-32-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Ang suwerte mismo ang lalapit sa iyo. Kaya kung sino ang lumapit sa iyo, siya at wala nang iba, ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-20-21-26-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) -
Kahit may nararamdaman kang lungkot, kumilos ka pa rin. Sa ganitong paraan, magdadatingan sa iyo ang magandang kapalaran na hindi mo sukat akalain. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-28-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling nagbabalik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Makipagsapalaran ka dahil nasa pakikipagsapalaran ang mga naglalakihang tagumpay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-16-22-25-33-36.




Comments